Nasaksihan natin ang madaming pinalakas na heroes sa kalalabas pa lamang na Mobile Legends: Bang Bang Patch 1.5.88. Nagpupunyagi ngayon ang mga mains ng Sun, Minotaur, at kahit nga ang Kaja. Ngunit sa lahat ng mga heroes na binigyan ng buff ngayon, hindi maikakaila na ang X.Borg ang binigyan pinaka-OP ngayon.

Pero bakit nga ba magandang pick ngayon ang hero na ito sa patch 1.5.88? At ano ang koneksyon ng War Axe rito?

Improved ang stats ni X.Borg

Credit: Moonton

Skill 1 – Fire Missiles

  • Tinaasan ang base damage mula 30-100 patungong 40-100
  • Tinaasan ang Total Physical Attack Bonus damage mula 50% na ngayon ay 60% na.
  • Pinalakas ang damage sa mga minions na dati ay saktong 75% na ngayon ay 75% to 100% na.

Ultimate – Last Insanity

  • Tinaasan ang Base Fire Damage galing 200-300 na ngayon ay 200-250 na.
  • Tinaasan din ang Extra Physical Attack Bonus for Fire Damage na dati ay 100% na ngayon ay 130%

Kung pagbabasihan lamang ang patch notes, malinaw na ang kaniyang main damage abilities na Fire Missiles at Last Insanity ay pinalakas pareho.

Halimaw ang X.Borg sa early game ngunit hindi ilap sa kaalaman na hirap ang hero pagdako ng late game. Gayunpaman, may mga paraan kung paano mapanatili ang kaniyang epekto sa patch 1.5.88. Tamang items lang, siguradong patuloy ang pagsunog ng X.Borg mains.


War Axe kay X.Borg? Ito ang diskarte

Credit: Moonton

Kadalasang nilalaro sa EXP lane ang Firaga Armor, pero dahil sa buff na ibinigay sa kaniyang mga abilities, parami nang parami ang gumagamit sa kaniya bilang jungler.

Kung gusto mo lalong dominahin ang meta na ito, War Axe ang perpektong item para sa X.Borg mo. Binibigyan ng item na ito ang hero ng karagdagang 550 HP, 55 na physical attack, gayundin ang 10% cooldown reduction. Bukod dito, ang passive ng War Axe na Berserk ang susi sa pagkapanalo mo sa RG.

Credit: Moonton

Kinakargahan ng passive na ito ang physical attack at movement sped ng X.Borg pagkatapos mag-deal ng damage. Kaya naman bawat paapoy ng Fire Missiles, mas masakit ang damage at mas mobile ang paborito mong hero.


Kapag nasa jungle position, i-priority mo ang item na ito pagkatapos ng jungle item. Kung nasa EXP lane ka naman, tapusin mo muna ang pag-build ng Immortality bago kuhanin ang War Axe para sa sustain at damage kombinasyon.

Sa sobrang OP ng hero at item kombinasyon na ito, tampok ito sa mga MLBB content kagaya ng inilaas ni Elgin Gaming.

I-check out ang official Facebook page ng Mobile Legends: Bang Bang para sa mga parating pang updates sayong paboritong mga heroes.