Si Alucard ay isang malakas na fighter-assassin hero sa Mobile Legends: Bang Bang na gumagamit ng isang malaking espada upang talunin ang kanyang mga kalaban.

Madali siyang matutunan at may isa sa pinakamalakas na lifesteal ability sa laro, ang Fission Wave. Ito rin ay nagpapabawas ng cooldown ng kanyang iba pang mga ability, nagpapabagal sa mga kalaban, at naglalabas ng isang shockwave na nagdudulot ng malalaking damage mula sa malayo.

Ang Groundsplitter ay nagbibigay-daan sa kanya na mas madaling habulin ang mga kalaban, at ang Whirling Slash ay nagdudulot ng physical damage palibot sa kanya. Ang kanyang passive na tinatawag na Pursuit, ay nagpapalakas ng kanyang mga ability at basic attack habang nagbibigay sa kanya ng karagdagang chase ability.

Bagaman siya ay nakakatakot sa malapitang laban, maaring maging mahina siya sa mga hero na kayang mag-hold o mag-burst down sa kanya bago pa niya maipamalas ang kanyang lifesteal.

Tatlong malalakas na hero counter kay Alucard sa Mobile Legends

Akai

Akai best hero counter kay Alucard
Credit: Moonton

Si Akai ay maaring balewalain ang ability ni Alucard sa lifesteal gamit ang kanyang Heavy Spin, na may parehong tagal ng oras sa Fission Wave.

Kapag aktibo na ang Fission Wave ni Alucard, gamitin ang Heavy Spin upang patuloy na itulak siya palayo, o itulak siya sa pader o sa inyong turret. Makipagtulungan sa iyong mga kakampi, lalo na sa mga may burst damage, upang madali siyang mapatumba.

Bumili ng Dominance Ice upang makakuha ng karagdagang depensa sa physical, at bawasan ang kanyang lifesteal at attack speed.

Kung hindi available si Akai, maaring maging alternatibo sina Kaja, Franco, at Khufra dahil sa kanilang epektibong mga control abilities.

IBA PANG MLBB GUIDES
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends
Bakit ang Athena’s Shield ang best magic resist item sa Mobile Legends
3 dahilan bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
Bakit dapat i-master si Esmeralda ng lahat ng EXP laners sa MLBB
Jungle invade sa MLBB: Ano, para saan, at paano ito ginagawa

Gusion

Gusion counter against Esmeralda
Credit: Moonton

May isa sa mga pinakamatinding kombinasyon ng mga ability sa Land of Dawn si Gusion, at maaring patayin si Alucard bago pa man nito ma-maximize ang kanyang ultimate.

Gawin ang Shadowblade Slaughter-Sword Spike combo at ulitin ito pagkatapos mag-activate ng Incandescence. Para sa mas madaling bersyon, gamitin ang Shadowblade Slaughter, i-refresh ito gamit ang Incandescence, ibato ang Shadowblade Slaughter muli, at saka patamaan siya gamit ang Sword Spike.

Ang paggawa ng combo ni Gusion ay maaaring hindi madali sa simula, ngunit pag nagawa ito nang maayos ay tiyak na magiging sulit. Sa sapat na pagsasanay, maaari mong mabilis na mapatumba si Alucard at sinumang gma kalaban sa isang magandang estilo.

Maaring pumili ng mga mage na hero tulad nina Eudora at Aurora bilang alternatibong may ability na maglabas ng malalakas na mga combo.

Martis

God of War Martis jungler Martis build
Credit: Moonton

Kung gusto mong harapin si Alucard nang diretso, huwag nang maghanap pa ng iba kundi si Martis. Mayroon itong matibay na mga ability sa crowd-control, kamangha-manghang attack speed, at burst damage.

patalsikin siya pabalik at paliparin gamit ang Mortal Coil, saka pabagalin gamit ang Ashura Aura. Sa tulong ng full stacks ng Ashura’s Wrath, saktan siya gamit ang mga basic attacks.

Kapag bumaba na siya sa kalahati ng kanyang HP, maaari mo siyang tapusin gamit ang Decimation.

Kung kailangan mo ng mas mabilis na attack speed at damage, bumili ng Sea Halberd. Ngunit kung kailangan mo ng physical defense, piliin ang Dominance Ice. Pareho itong epektibo sa pagpapahina sa kanyang lifesteal.

Maari mo ring isaalang-alang si Sun o Karina kung hindi magagamit si Martis sa draft.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Floryn sa Mobile Legends