Ang mga mages ang isa sa pinakamalakas na killers sa Mobile Legends: Bang Bang. Kadalasan sila ay nasa midlane o EXP lane, at ito ang kinamumuhian ng bawat squishy hero sa Land of Dawn.

Sa mabuting palad, mayroong mga items tulad ng Athena’s Shield, Radiant Armor, at Oracle na binabawasan ang magic damage nila sa laro.

Ngunit aling magic resist item ang pinakasulit sa Mobile Legends: Bang Bang?

Pagkukumpara ng Athena’s Shield, Radiant Armor, at Oracle sa Mobile Legends 

Athena's Shield sa MLBB
Credit: Moonton

Kung ikukumpara ang tatlong magic resist items na ‘to, lahat sila ay nagbibigay ng parehas na stats. Ang kakaiba sa kanila ay ang kani-kanilang passive. Para sa Athena’s Shield, lalabas ang isang shield pag ito ay na-damage. Mababawasan ng shield na ito ang magic damage nang 25% sa loob ng limang segundo.

Para sa Radiant Armor, ang may hawak nito ay may mas mataas na magic damage reduction ng 3-10 points kapag nakatanggap ng Magic Damage at makaka-stack up ito nang hanggang anim na beses.

Ang Oracle naman ay nagtataas ng shield absorption at HP regen effect nang 30%.

Bakit must buy ang Athena’s Shield sa Mobile Legends

Credit: Moonton

Una sa lahat, nagbibigay ang Athena’s Shield ng pinakamaraming magic resist base stat sa 62 kung ikukumpara sa Radiant Armor na may 52 at Oracle na may 42 lamang.

Kung naghahanap ka ng solid na magic resist item at wala masyadong regeneration skills ang hero mo o di kaya walang Estes o Floryn sa team mo, hindi mo na magagamit ang Oracle.

Mabangis ang Radiant Armor laban sa mga DPS magic heroes tulad nina Chang’e, Yve, at Alice. Ngunit hindi ka maproprotektahan nito sa kamatayan kung ikaw ay gumagamit ng isang marksman o assassin. Mababawasan nito ang damage ngunit mataas ang tsyansa na mamamatay ka sa isang full combo.

Dito na papasok ang Athena’s Shield. Ang 25% magic reduction ay isang malaking bagay sa mga bakbakan, kahit para sa mga squishy heroes.

Kung mayroong DPS magic damage ang kalaban, isang magandang solusyon ay ang pag-build ng Athena’s Shield muna bago kumuha ng Radiant Armor, dahil hindi sapat ang Radiant Armor para sa huling parte ng laro.