In-update nitong Setyembre 22, 12 p.m. (GMT+8): Nagdagdag ng ilang kaugnay na links.

Isa ang Dominance Ice sa mga highly recommended na items para sa mga tank hero ng Mobile Legends: Bang Bang.

Bagamat hindi na ito bago sa karamihan, may iilan pa rin na hindi alam kung gaano nga ba kasulit ang item na ito, lalo na pagdating sa mas matataas na rank.

Narito ang tatlong dahilan kung bakit dapat bumili ang lahat ng tank hero ng Dominance Ice.

IBA PANG MLBB GUIDES
4 na roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito
3 mabisang pangontra kay Gatotkaca sa Mobile Legends
Gabay sa paglalaro kay Aldous: Best build, mga skill, emblem, combos
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban

Mga rason kung bakit sulit ang Dominance Ice para sa mga tank

Malakas pa rin ang heal at shield meta

Balmond
Credit: Moonton

Ilan sa mga hero na malalakas sa naturang patch sina Alice, Paquito, Ruby, Yu Zhong, at Balmond.

Ang mga ito ay may mga unbreakable shield o di kaya’y overpowered na healing skill.

Mabisang pangontra ang Dominance Ice para sa mga ito. Ang passive ability nitong Arctic Cold ay binabawasan ang shield at healing ng lahat ng malapit na kalaban.

Para kang walking kyrptonite sa mga nasabing meta hero gamit lang ang Dominance Ice.


Sulit stats ng Dominance Ice lalo na kung ipa-prioritize

Credit:Moonton

Crucial sa high-level play ang mga stats na binibigay ng nasabing item.

Una, ito lang ang tier three defense equipment na nagbibigay ng dagdag movement speed. Isa rin ito sa dalawang item na nagbibigay ng mana, na malaki ang natutulong sa lahat ng antas ng laro.

Dagdag pa sa nasabing pagpapahina ng shield at HP regen ng Arctic Cold, may bawas din sa attack speed ang unique passive nito, bagay na importante para ma-survive ang meta.


Nabibigyan nito ang iyong mga kampi ng flexibility sa item build

Dominance Ice
Credit: Moonton

May dalawa pang item na kayang mag-reduce ng kakayahang mag-heal ng kalaban at ito ang Necklace of Durance pati na rin Sea Halberd.

Kadalasang ginagamit ng mga mage ang Necklace of Durance, habang mga physical damage na hero naman ang bumubuo ng Sea Halberd. Bagamat parehong maganda ang mga nasabing item kontra mga hero na malalakas mag-heal at shield, mas mainam kung ibang item na lang ang i-prioritize ng gold lane o core.

Sa kabuuan, responsibilidad din ng tank na siguraduhing mapadali ang buhay ng kanyang mga kakampi, at nagagawa ito ng Dominance Ice.

Para sa iba pang balita at guides sa Mobile Legends: Bang Bang, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Sakto ang Great Dragon Spear para sa 3 heroes na ‘to sa Mobile Legends (bukod kay Zilong)