Hindi mo gugustuhing makatpat ng dikdikan ang Mobile Legends: Bang Bang tank hero na si Gatotkaca.

Dahil kasi sa kaniyang passive na Steel Bone, nagkakaroon siya ng extra physical defense at enhanced basic attacks na may kargang lifesteal kapag nakakatanggap siya ng damage mula sa kalaban.

Binibigyan naman siya ng ultimate niyang Avatar of the Guardian ng abilidad na tumalon sa malayong distansiya upang patalbugin airborne ang tatamaang kalaban sa malaking area kasabay pa ng malaking damage sa mga ito.

Kaya rin niyang magpataw ng slow effects sa kaniyang mga kalaban gamit ang Blast Iron First at i-taunt ang mga ito gamit naman ang Unbreakable na nagtritrigger ng kaniyang passive.

Gayupaman, masyadong nakadepende ang Mighty Legend sa pagpapatama ng kaniyang ultimate at ng kaniyang enhanced melee attacks. Kaya naman, ang heroes na may mataas na mobility at debuff, gayundin ang control skills ay kayang makasabay sa pamosong tank.

Malalakas na pangontra kay Gatotkaca sa Mobile Legends

Karrie

Mobile Legends: Bang Bang Neon Lightwheel Karrie skin
Credit: Moonton
Maging makunat sa gold lane gamit ang Karrie tank build
Gusto mong mangwasak gamit si Karrie? Siguruhing meron ka nitong 3 core items

Magandang pick ang marksman na si Karrie bilang pangontra sa makukunat na heroes tulad na lamang ng Gatotkaca. Bukod dito, mataas din ang kaniyang mobility at may abilidad na magpakawala ng true damage.

Kapag ginamitan ka ng kalabang tank ng Avatar of the Guardian, gamitin ang Phantom Step para makaiwas dito. Ibati ang Spinning Ligthwheel para ma-slow si Gatotkaca, at pitikin ang Speedy Ligthwheel. Pagkaraan ay tika-tikain siya gamit ang Basic Atttacks para malusaw ito ng true damage dala ng Ligthwheel Mark passive.

Tandaan, kailangan mong dumistansiya ng maayos kapag inaatake ang Gatot. Mainam na kumuha ng Flicker battle spell para sa extrang mobility.

Maganda rin na kumuha ng Sea Halberd para mapahina ang lifesteal ng tank, pagkatapos kuhanin ang iyong core items.

IBA PANG MLBB GUIDES
Gabay sa paglalaro kay Aldous sa Mobile Legends: Best build, mga skill, emblem, at mga combo
Mga item na dapat mong bilhin para kay Novaria sa Mobile Legends
Pambihira ang kaya mong gawin gamit ang 3 advanced Yu Zhong combos na ito
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Eksklusibo: Ganito raw karaming laro bago mo ma-master ang Ling, sabi ni Alberttt

Diggie

Mobile Legends: Bang Bang Pigeoneer Diggie skin
Credit: Moonton

Ang rason kung bakit sakit sa ulo ng Gatotkaca users ang Diggie ay dahil sa kaniyang ultimate na Time Journey. Instand debuff kasi ang lahat ng crowd control effects kapag inactivate ito, at may kasama pang shield para sa team.

Gamitin ang Time Journey kapag natamaan ng Avatar of the Guardian. Matapos makaalis sa labanan, kontrolin ang hero gamit ang Reverse Time, tiyaka sundan ng Auto Alarm Bombs para sa damage.

Ruby

Mobile Legends: Bang Bang Pirate Parrot Ruby
Credit: Moonton

Kung hanap mo ang isang hero na kayang maksabay sa Gatot ng 1v1, si Ruby ang hero na para sayo. Pambihira kasi ang crowd control skills at spell vamp ability ng hero, kung kaya’t kaya niyang makipagpukpukan kahit sa tank hero na may lifesteal.

Kapag makikipag-square sa Gatotkaca, gamitin ang Be good! para ma-slow ito, at ang Don’t run, Wolf King! para naman magambala ang kaniyang mga atake. Kung tatakas naman siya, bunutin siya pabalik gamit ang I’m offended!

Abusuhin ang dash ability ni Ruby mula sa kaniyang Let’s dance! passive para maiwasan ang mga atake ng kalaban. Magandang kumuha ng Execute battle spell bilang panapos sa dikitang bakbakan.

Bumili ng Dominance Ice o Sea Halberd para mabawasan ang kaniyang lifesteal. Kung pipiliin ng tank na mag-magic build, kumuha ng Athena’s Shield para makontra ang damage niya.

Para sa iba pang guides sa MLBB, sundan lamang ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB