Ang Karrie tank build ay lumalaganap ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang ranked games at nagiging sanhi ng kakaibang reaksyon sa mga kalaban.

Ang build para sa marksman ay isang matibay at mabagsik na configuration na nagdudulot ng kaguluhan sa gold lane. Kilala sa kanyang matibay na panlaban at hindi matatawarang damage output, ang Karrie tank build ay naging isang puwersang kinakailangang harapin, na nagtatangkang humamon sa mas tradisyunal na mga build.

IBA PANG MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combo na ito

Paano gumagana ang Karrie tank build

MLBB Karrie ECHO Bennyqt
Credit Moonton

Pagbuo ng tank arsenal

Ang susi sa tagumpay ng Karrie tank build ay matatagpuan sa maingat na pagpili ng mga item na parehonh nagpapahusay sa kakayahan na mag-survive at sa damage output. Nasa harap ng build na ito ay ang Thunder Belt, isang pangunahing item na hindi lamang nagpapataas ng buhay at depensa ni Karrie kundi nagbibigay din ng isang natatanging passive ability — ang Thunderbolt.

Ang passive skill na ito ay nagbibigay ng karagdagang True Damage base sa HP ng hero, isang perpektong synergy sa tank-oriented build na likas na nagpapalaki ng health pool ni Karrie.

Karrie tank build primary item, Thunder Belt
Credit: ONE Esports

Ang passive skill ni Karrie, ang Lightwheel Mark, ay nagdudulot din ng True Damage. Ang kahusayan ng Karrie tank build ay matatagpuan sa magandang ugnayan sa pagitan ng Thunderbolt at Lightwheel Mark. Sa bawat pag-trigger ng Lightwheel Mark, naa-activate ang Thunderbolt, naglalabas ng kombinasyon ng True Damage mula dalawang passive kontra sa mga kalaban ni Karrie.

Ang tandem na ito ay lumilikha ng isang nakamamatay na synergy, nagbibigay-daan kay Karrie na mapanatili ang kanyang depensa habang naglalabas ng matinding damage sa mga kalaban.

Karrie Gill Girl skin
Credit: Moonton Games

Upang lalo pang mapabuti ang kanyang kakayahang umatake, ang mga item tulad ng Endless Battle ay isinasama rin sa kanyang arsenal. Nag-aalok ng karagdagang True Damage at lifesteal, ang Endless Battle ay nababagay sa estilo ng pag-atake ni Karrie, na nag-sisigurong may kasamang damage output at kakayahan niya na mag-survive. Gayunpaman, ang pagpili ng mga sumusunod na item ay lubos na nakadepende sa lineup ng kalaban at sa partikular na sitwasyon sa laro.

Ang mga opsyon tulad ng Blade Armor, Antique Cuirass, at Oracle ay mga popular na pagpilian, nagbibigay ng karagdagang armor, magic resistance, at utility. Ang Golden Staff ay isa pang mahalagang kasama, hindi lamang nagpapataas ng attack speed kundi nagpapabilis din ng pag-activate ng Lightwheel Mark.

Pagpili ng battle spell at emblem

Karrie tank build battle spell, Vengeance
Credit: ONE Esports

Upang higit pang palakasin ang kakayahang maging matibay ng Karrie tank build, ang battle spell na pinipili para sa build na ito ay ang Vengeance.

Ang spell na ito ay nagpapababa ng darating na damage at nagbabalik ng 35 porsyento ng natanggap na damage bilang magic damage. Ito ay lubos na epektibo laban sa mga marksmen na may mataas na attack speed tulad ni Wanwan at Moskov, lalo na sa one-on-one scenarios.

Karrie tank build emblem, Brave Smite
Credit: ONE Esports

Ang pagpili ng emblem para sa Karrie tank build ay karaniwang kasama ang Basic Common Emblem na may Brave Smite talent. Ang Brave Smite ay bumabagay nang maayos sa skill set ni Karrie, na nagre-regenerate ng HP sa bawat pagbigay ng skill damage sa mga kalaban.

Ang emblem na ito ay nagpapalakas ng kakayahan ni Karrie na magtagumpay sa mga laban, pinapayagan siyang manatili sa mga matagalang laban at magtagumpay.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: War Axe at Brute Force Breastplate: Ang iyong susi sa MLBB ranked games