Matapos lumabas ang patch 1.8.44, talagang sumikat na ang War Axe at Brute Force Breastplate combo sa Mobile Legends: Bang Bang

Pinapalakas ng pairing na ito ang damage output, spell vamp, at movement speed, kaya naman naging go-to choice na ito ng karamihang EXP lane fighters at iilang tank jungle heroes. 

Naging sobrang sikat nito na kahit ang mga under-picked heroes ay bumabalik sa meta dahil sa kaniya. 

Tignan natin ang mga rason kung bakit napakalakas ng mga items na ito at kung aling heroes ang dapat mong gamitin kasama nito.

Ano ang mga naging pagbabago sa War Axe at Brute Force Breastplate? 

MLBB War Axe at Brute Force Breastplate
Credit: ONE Esports

Parehas sumailalim ang dalawang item sa mga makabuluhang pagbabago. 

Ang War Axe, na dating nagbibigay ng physical attack, physical penetration, at movement speed sa max stacks, ay ngayo’y naghahatid na ng spell vamp at true damage sa halip ng physical penetration at movement speed. 

Sa kabilang banda, malaki rin ang mga naging pagbabago ng Brute Force Breastplate.

IBA PANG MLBB GUIDES
Listahan ng Mobile Legends ranks at kanilang mga antas
Swak ang magic item na Starlium Scythe sa mages na ito
Kumpletong Aldous guide sa MLBB: Best build, skills, emblem, at combos
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban

Dating kilala dahil sa kaniyang movement speed at hybrid defense stacks na triggered ny skill o basic attacks, mas bagay na ito sa mechanic ng naunang binanggit na item. 

Naghahatid ng physical attack, magic power, at movement speed per stack (hanggang anim na stacks) sa loob ng apat na segundo ang updated na Breastplate, at may karagdagang control duration reduction sa max stacks ito. 

Mga heroes na makikinabang sa War Axe-Brute Force Breastplate combo 

MLBB M5 Pass PRIME Skin Cosmic Dragon YuZhong
Credit: Moonton Games

Ito ang mga heroes na pinaka-makikinabang sa naturang item combo: 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: Helcurt counters? Pumili sa 3 hero na ‘to sa Mobile Legends