May rason kung bakit hindi palaging lumalabas sa ranked games ang Ling.

Isa kasi ang assassin sa pinakamalikot na hero sa Mobile Legends: Bang Bang at kaya niyang makarating mula sa isang sulok ng mapa papunta sa kabilang bahagi nito gamit ang Finch poise.

Bukod dito, ang kaniyang ultimate na Tempest of Blades ang isa sa pinakamagandang initiation skills para sa isang assassin.

Pero, hindi siya madaling hero na gamitin lalo na sa mga baguhan pa lamang.

Kailangan mong makabisado ang mapa para malaman ang chokepoints na hindi mo dapat dapuan gamit ng Finch Poise. Kailangan mo ding magsanay ng lubusan kapag ginamit mo ang kaniyang ultimate para mahawakan mo ang lahat ng espada na lalapag kapag ginamit mo ito.

Kung gusto mong gumaling gamit ang Ling, may tip ang MPL Indonesia star jungler na si Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar para sa’yo.


Alberttt sinabi na Ling ang best jungler hero sa Mobile Legends

Credit: MPL ID

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports noong M4 World Championship, inilahad ng jungler kung bakit mayroon siyang love-and-hate relationship sa hero.

“He is just so fast,” kuwento ni Alberttt. “But what I don’t like about him is that he needs the purple buff all the time.”

Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Ling sa Mobile Legends

Mahalaga ang pagkuha ng purple buff sa kahit sinong skill-reliant hero tulad na lamang ng Ling. 

Nakadepende ang abilidad ng assassin na dominahin ang laro sa early game sa kung papaano niya gagamitin ang Finch Poise para malibot ang mapa. Kaya lamang, makunsumo ito sa energy sa unang bahagi ng laro.

Mobile Legends: Bang Bang Seren Plume Ling skin
Credit: Moonton

Para naman sa kung ilang laro ang kailangan para ma-master ang hero, sorpresa ang sagot ng jungler para sa marami.

“You only need one hundred games to master him,” banggit ng pro.

Kilala si Alberttt bilang isa sa pinakamagaling na Ling players sa buong mundo. Sa ranked, nabanggit niya na nalaro na niya ang assassin ng 1400 beses at mayroong 81% win rate. Kung tatayain, ito ay katumbas ng 1100 wins.



Gayunpaman, sinabi niya na ang mga magtatangka na i-master ang hero sa loob ng 100 games ay kailangang lubusin ang karanasan dito. Para magawa ito, nagbigay ang star jungler ng tatlong tips.

“If you want to master the hero, you need to spam him in ranked, study the walls beforehand, and be a team player,” bitaw niya.

Panoorin si Alberttt na makipagbakbakan sa MPL Indonesia.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, updates at guides sa MLBB.

BASAHIN: Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player