Si Johnson, ang isa sa pinakanakakaaliw laruin na hero sa Mobile Legends: Bang Bang, ay mayroong malaking pagbabago.

Sa ikalawang bahagi ng Project NEXT update na inilabas ngayong buwan, inilahad ng Moonton Games ang bagong Johnson ultimate mechanic na siguradong maghahatid ng dinamikong gameplay para sa sikat na tank hero.



Magbibigay-daan sa matitinding combos ang bagong Johnson ultimate sa Mobile Legends

MLBB Johnson
Credit: Moonton Games

Ang ultimate ni Johnson na Rapid Touchdown ay isa sa pinakanatatanging skills sa Mobile Legends. Gamit ito, nakakapag-transform siya bilang isang sasakyan at nakakapagsakay ng isang kakampi habang umaandar.

Sa bagong update, ang Johnson ultimate ay makakapagsakay pa rin ng isang kakampi, pero ito ang catch — pwede na silang pumasok sa kotse kahit pa gumagalaw ito.

Narito ang bagong skill description para sa Rapid Touchdown:

DATINGAYON
Nagta-transform si Johnson bilang isang kotse, at nag-a-accelarate sa loob nang ilang segundo. Pwedeng sumakay ang isang kakampi habang accelaration phase, ngunit may waiting state pagkagamit ng ultimate (bago pa ang pag-accelerate).Agad na nag-a-accelerate si Johnson pagkagamit ng ultimate.

Kapag nagsimula nang umandar si Johnson at nakalapit nang 20 yards sa kanyang kakampi, sila ay makakatanggap ng notification tulad ng, “Johnson is [x] m away from you.”

Kapag siya ay 6 yards na malapit sa kanyang mga kakampi, ang notification ay magiging button, at kailangan nilang pindutin ito para makapasok sa kotse.

Tips:

Kung si Johnson ay iyong party member, magkakaroon ng option para i-notify ang player, tulad ng: “Calling Johnson for a ride.”

Kung kalabang koponan naman ang gumagamit ng Johnson, magkakaroon ng mensahe na: “Johnson is approaching, watch out.”

Ang rework na ito ay inaasahang magbibigay-daan sa napakaraming skill combinations kasama ang iba’t-ibang heroes na tiyak patataasin ang gameplay ng Mustang sa Land of Dawn.

Mayroon ding graphic at skill animation improvements na natanggap si Johnson bilang parte ng Project NEXT update.


Iba pang mga pagbabago sa Project NEXT 2023

Credit: Moonton Games

Inilabas na rin ng Moonton Games ang bagong Mobile Legends logo kasabay ng ikapitong anibersaryo ng laro. Idinagdag na rin ang revamped Lolita maging ang graphic at skill upgrades sa tatlo pang Eruditio heroes na sina Layla, X.Borg, at Bruno, at isang non-Eruditio hero na si Miya.

Dagdag pa rito, isang komprehensibong pagbabago sa MLBB user interface ang ipinatupad para sa mas immersive na gaming experience para sa lahat ng manlalaro.

Credit: Moonton Games

Sa bagong main screen UI, pwedeng makipag-interact ang mga manlalaro sa napili nilang seasonal hero, bagamat limitado pa sa mga nabanggit na Eruditio heroes ngayong season. Magiging available ang bagong seasonal heroes sa mga susunod na patch.

Maaasahan din ng players ang bawas na packaged resources para sa mas swabeng gameplay maging ang pinagandang multi-threading at technical performance.

Para sa iba pang balita at guides sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Bumili na ng tickets para sa ONE Esports MPLI 2023