Isa sa mga hindi pinapansing heroes sa Mobile Legends: Bang Bang professional scene, sa wakas ay sumisikat na si Gord bilang isang maasahang hero sa mid lane, at maituturing pa na power pick na kayang baguhin ang meta.

Sa unang linggo ng MPL Philippines Season 12, na-pick ang mage hero nang apat na beses at mayroong 100% win rate. Disente rin ang win rate nito pagsapit ng ikalawang linggo.

Ipinamalas nila Salic “Hadji” Imam ng Blacklist International at Arvie “Aqua” Antonio ng RSG Philippines na higit pa sa cheese pick ang Professor of the Mystics sa mid lane.

Parehong ipinakita ng batikang mid laners kung paano epektibong gamiting ang Gord sa pamamagitan ng pagpanalo ng dalawang laro bawat isa, at pinatunayan ang kasalukuyang lakas ng ‘di popular na hero noon.



Bakit power pick ngayon ang Gord sa MPL PH Season 12?

Credit: Moonton Games

Agad ipinakita ng Pinoy mid laners kung gaano kadominante ang Gord sa pinakamataas na antas ng kompetisyon. Sa apat na laro, nangibabaw sila sa kanilang lane gamit ang abilidad ng hero na mabilis at ligtas na mag-clear ng minions.

Dulot ito ng Mystic Projectile at Mystic Injunction spells ng mage hero — dalawang mataas na area-of-effect damage abilities na maaaring i-cast mula sa malayo, at mabilis na inuubos ang minions.

Salic "Hadji" Imam ng Blacklist International sa isang presscon sa MPL PH Season 12
Credit: MPL Philippines

Ang kanyang ultimate naman na Mystic Gush ay mas nakamamatay. Sa paggamit ng skill na ito, nagbibitaw siya ng matinding enerhiya patungo sa isang direksyon mula sa malayong distansya. Nagpapakawala ito ng mahapding magic damage per second (DPS), at naglalagay ng slow effects sa mga tinatamaang kalaban.

Pero hindi ang wave clear power niya ang dahilan kung bakit maging ang respetadong MPL analyst na si Caisam “Wolf” Nopueto ay tinatawag si Gord bilang “pinakamalakas na laner na pwede mong kaharapin sa mid.” Ang kanyang taglay na range ay epektibo rin laban sa mga hero na umaasa sa poke damage.

Sa tatlong pagkakataon na ginamit ang Gord laban sa poke dominant mage na si Valentina — isa pang paborito ng mga Pinoy sa mid lane — nagawang manalo nang Gord users sa lahat ng laro.

Ipinakita nila Hadji at Aqua na kayang makipagsabayan ng Gord kontra kay Valentina gamit ang range advantage at pagpuwersa sa kalaban na maglaro nang passive.

Mobile Legends: Bang Bang Archmagister Valentina skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Isa pa sa mga dahilan ng pagiging power pick ni Gord sa MPL PH ay ang kakayahan niyang guluhin ang sikat na front-to-back compositions.

Madali lang para sa mage hero na tunawin ang mga HP ng mga kalaban, salamat sa kanyang Mystic Favor passive na nagdadala ng true damage sa mga tinatamaan ng kanyang skills.

Panoorin kung paano pinagana ni Hadji ang Gord sa kanilang game kontra Smart Omega sa Week 1 Day 3 ng liga.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Ito ang sikreto sa lakas ng ONIC Esports sa MPL ID S12, ayon kay Coach Yeb