Naiselyo na ng ONIC Esports ang playoffs upper bracket spot sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 12 (MPL ID S12) matapos walisin ang Rebellion Zion sa huling araw ng Week 7.

Bagamat nasa tuktok ngayon ng standings, hindi naging madali ang kampanya ng ONIC. Noong nakaraang season, isang beses lang sila natalo. Ngunit sa tumatakbong season ay may tatlo na silang talo.

Sa kabila nito, ipinapamalas pa rin ng Yellow Hedgehogs ang kanilang tikas sa ikalawang leg ng regular season sa likod ng kanilang core roster.

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, inilahad ng Pinoy head coach ng ONIC Esports na si Denver “Yeb” Miranda ang sikreto sa likod ng magandang performance nila sa MPL ID Season 12.



Coach Yeb sa kung paano pinapanatili ng ONIC Esports ang kanilang lakas bago sumalang sa MPL ID S12 playoffs

Denver "Coach Yeb" Miranda ng ONIC Esports sa MPL ID Season 12 Week 7 Day 4
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

“Sa totoo lang, ang susi (sa consistent performance) namin ay nirerespeto namin lahat,” saad ni Coach Yeb, base sa pagkakasalin sa Filipino. “Gusto naming ibigay lagi ang lahat, inaaral ang mga laro, at pinakamahalaga ay nag-e-enjoy kami.”

Ani pa niya, “Hindi namin pinapansin ang mga komento ng ibang tao dahil nagbibigay lang ito ng pressure sa’min.”

Ibinahagi rin ng coach ng MLBB Southeast Asia Cup 2023 champions ang kanilang mindset ngayong nasa dulong bahagi na ang regular season.

“Pinag-iigihan lang namin bawat laro, at hindi namin iniintindi muna ang playoffs.”

Si Coach Yeb kasama sina Kairi at Butss
Credit: ONE Esports

Nagbigay din ng komento si Coach Yeb patungkol sa estado ng MPL scene sa Indonesia at karibal nitong rehiyon na Pilipinas.

“Sa pananaw ko, halos parehas na ang gameplay sa MPL ID at MPL PH. Pero nakadepende pa rin kung anong koponan ang iyong tinitignan.

Dagdag pa niya, ang M4 world champions na ECHO pa rin ang pinakamalakas na koponan sa Pilipinas.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Divine Glaive o Genius Wand? Kailan mo dapat bilhin ang 2 magic penetration items na ‘to