Handa na ang RSG PH na sakupin muli ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).

Bumuo ang dating champions ng isang strategic na partnership kasama ang global phone manufacturer na TECNO, na magsisilbi bilang title sponsor ng team para sa paparating na MPL PH Season 12.



Target ng RSG PH ang pwesto sa M5

MLBB RSG PH
Credit: TECNO

“TECNO’s dedication to pushing the boundaries of innovation aligns perfectly with our team’s mission to excel and redefine standards in the esports arena. With their support, we are more motivated than ever to achieve greatness and inspire our fans,” sabi ni Jayf Soh, Chief Executive Officer ng RSG.

Hangad ng RSG ang top two finish ngayong Season 12, na magsisigurado ng pwesto nila sa M5 World Championship na gaganapin sa Pilipinas sa Disyembre 2023.

Ang koponan na pinangungunahan ni coach Brian “Panda” Lim ay nanalo na sa MPL PH Season 9, bago magwagi sa MLBB Southeast Asia Cup (MSC) 2022.

MLBB RSG PH MSC 2022
Credit: ONE Esports

Maliban sa pagtulong sa RSG sa kanilang kampyanya, pinapangako rin ng TECNO sponsorship ang iilang mga oportunidad para sa kolaborasyon, fan engagement, at technological integration.  

“We aim to combine the energy of competitive gaming with the power of cutting-edge technology, fostering a new era of excitement and engagement for fans,” sabi ni TECNO Philippines CEO Jason Wong. 

Dati ng nakipag-partner ang mobile phone brand sa game titles na Mobile Legends at FreeFire.  

Ang kanilang bagong model, ang POVA 5 Pro, ay opisyal na lumabas sa Pilipinas sa September 7, 2023.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: SIBOL MLBB pinatalsik ang Indonesia, kampeon sa IESF 2023