Marami ang nagulantang sa biglaang pag-alis ng bantog na EXP laner na si Gerald “Dlar” Trinchera mula sa EVOS Legends sa gitna ng MPL Indonesia Season 12 regular season.

Naging limitado ang playing time ng Pinoy Mobile Legends pro simula nang sumanib sa hanay ng White Tigers noong Season 10.

Gayunpaman, malaki ang ginampanan ni Dlar para yakagin ang bagong fans at tagasuporta para sa Indonesian team, gawa ng kaniyang YouTube content at streams na ipinalabas sa ilalim ng bandera ng organisasyon.

Credit: EVOS Esports

Malabo noong una ang dahilan sa kaniyang pagsibat, kung saan naging tikom ang bibig ng organisasyon kung siya ba ay pinakawalan o piniling umalis ng kusa.

Hanggang sa naglabas na ng pahayag ang Head of Esports ng team na si Mohammad Refie Fakhreno sa layuning maklaro ang nakabibiglang kaganapan.



Head of Esports ng EVOS nagsalita ukol sa pag-alis ni Dlar mula sa team

Gerald "Dlar" Trinchera moved to MDL ID team EVOS Icon in the middle of MPL ID Season 10
Credit: EVOS Esports

Inilahad ni Fakhernom na ang desisyon ni Dlar na lumisan mula sa team ay bunga ng hindi pagkakatugma ng kaniyang personal na layunin sa plano ng team para sa kaniya.

“Ultimately, Dlar decided to return to the Philippines, challenging [himself] to try hard and focus on the competitive scene there,” sulat ng opisyal.

Bukod dito, binigyang-linaw din ng taga-EVOS ang rason kung bakit hindi nakakita ng maraming playing time ang 20-anyos na import ngayong season.

EVOS Legends complete lineup for MPL ID Season 12
Credit: EVOS Esports

Ayon kay Fakhernom, mas maganda daw kasi ang naging performance ni Regi “Fluffy” Marviola kaysa sa Pinoy sa training sessions at evaluations na ginagawa ng team linggo-linggo.

“This serves as the basis for us to achieve our goal of winning each match, where the best players will be part of the roster lineup,” dagdag niya.

Ngayong pinal na ang roster na sasalang sa gugulong na MPL Philippines Season 12, kaalinsabay pa ng rule na players lamang mula sa MDL teams ang makakapaglaro sa MPL team, maasahan na hindi na muna maisasalang sa pro play ang batikang EXP laner.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita patungkol sa MLBB. 

BASAHIN: Bakit index finger ang gamit ni RRQ Naomi sa paglalaro ng ML? Heto ang rason