Inilahad kamakailan ng Moonton Games ang iskedyul ng mga bakbakang gaganapin sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 12 (MPL PH S12) regular season.

Sa naturang iksedyul, kapansin-pansin na pagkakasyahin na lamang sa anim na linggo ang gugulong na mga serye sa pagbabalik ng pinakamalaking liga ng Mobile Lengends sa bansa.

Kaiba ito sa nakagisnan na walong linggong iskedyul sa mga nakalipas na season.

Bukod dito, tatlo nang serye ang ipapalabas ng liga tuwing Biyernes at Linggo imbis na tig-dalawang laro katulad na lamang noong nakaraang season. Samantla, tig-apat namang serye ang ihahandog sa ikalawang araw ng week three at week six.



Suporta sa third-party events at paghahanda sa M5 ang rason ng bagong iksedyul ng MPL PH S12

Credit: Moonton

Sa gumulong na presser bago gumulong ang Season 12, ipinaliwanag ng Moonton kung bakit huli na ang pagsisimula ng MPL PH S12 kumpara sa ibang rehiyon, gayundin ang kanilang rason kung bakit pinaigsi ang iskedyul ng regular season nito.

Banggit ng esports marketing lead ng developer na si Harold Leonardo, nausog ang iksedyul dahil sa gumulong na international tournaments kung saan lumahok ang ilang Pinoy MLBB teams.

Dagdag pa niya, “So generally, the strategy for MLBB Esports is to deconflict our main tournaments, namely MPLs with the other tournaments of our third party since we want to support them and give them as much resources as well.”

MPL PH Season 12 roster featured image (simula sa kaliwa): Pheww ng AP Bren, KarlTzy ng ECHO, EDWARD ng Blacklist International, at IRRAD ng RSG PH
Credit: ONE Esports

Hindi rin itinago ni Leonardo kung bakit nilimita nila sa anim na linggo ang iksedyul ngayon. “We cannot extend the date of the MPL PH because we’re hosting the M5 here in the Philippines, and it needs also much preparation from the winning team since they need more time to train.”

Bukod dito, ito raw ay pagdinig din ng Moonton sa suhestiyon mula sa ibang teams para i-adjust ang iskedyul.

Kuwento ng regional PR manager ng Moonton na si Keith Medrano: “If I remember correctly, coach Ducky actually raised it na parang if MPL Indonesia can do it, to help the teams have more time to prepare for other international tournaments that they want to join in, then why not for MPL Philippines, right?”

Mababalikan na malaking hamon ang kinaharap ng Bren Esports ni Coach Francis “Ducky” Glindro noong nagkasabay-sabay ang iskedul ng MPL PH Season 11 playoffs, IESF qualifiers at SEA Games.

Coach Ducky exits stage after Bren Esports' win versus NXPE in MPL PH S11
Credit: Moonton

“So again, the league listens to these kinds of feedback. So we decided na, ‘Yeah, why not make it six weeks para naman makapag-prepare pa yung team sa other international tournaments that they join,” paglalahad muli ni Medrano.

Ukol naman sa kung mauulit ang ganitong uri ng iskedyul sa mga susunod pang seasons ng MPL PH, nilinaw ng Moonton na wala pang naipapakong plano para dito. “This is something that we have to plan because we have to consider also the mapping for next year. We’ll share more details as soon as we reveal the 2024 esports roadmap.”

Magsisimula ang MPL PH S12 regular season sa September 8.



Para sa iba pang balita at updates tungkol sa MLBB esports, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Dlar free agent na matapos pakawalan ng EVOS Legends