Walo sa pinakamagagaling na teams sa Singapore ay maglalaban-laban para sa karangalan sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Singapore Season 6 (MPL SG Season 6).

Malaki ang nakataya sa season na ito, sapagkat ang magwawagi ay magiging kinatawan ng rehiyon sa paparating na M5 World Championship, na nakatakdang gawin sa Pilipinas sa December 2023.

Credit: Moonton

Ang three-time champion na RSG Slate SG ay layong ipagtanggol ang kanilang titulo laban sa mga kalaban na Bleed Esports at Team Flash SG.

Dumagdag sa digmaang magaganap ang Alchemy SG at Vanguard Esports, na nagtagumpay sa MPL SG qualifiers at kumamada ng kanilang mga puwesto sa regular season.



Narito ang lahat ng mga teams na sasabak sa MPL SG Season 6

Walong koponan na lalaban sa MPL SG Season 6
Credit: Moonton
MGA KOPONAN
Alchemy SG
Bleed Esports
Evil
Homebois SG
RSG SG
Stellark SG
Team Flash SG
Vanguard Esports

Ang regular season ay magsisimula sa September 9 at magpapatuloy sa loob ng apat na linggo hanggang September 30. Ang mga laban ay susunod sa best-of-three, round robin na format.

Ang anim na pinakamataas na koponan ay magpapatuloy sa playoffs. Ang dalawang pinakamababa ay matatanggal at kailangang makipagkumpitensya muli sa mga qualifiers kung nais nilang makuha muli ang kanilang puwesto.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Plano nila OhMyV33nus at Wise na maglaro sa MPL PH Season 12. Ngunit nangyari ito