Si RRQ Xinn (Yesaya Wowiling) ay hindi pa rin nakakapaglaro sa MPL Indonesia Season 12 kahit pa nasa kalagitnaan na ang liga.

Nasa bench o RRQ waiting room pa rin ang gold laner na tinatawag na “Bangsin” simula pa noong umpisa ng MPD ID S12.

Hinamon si RRQ Xinnn ng mga ibang players tulad nina Nino ng Alter Ego at iba pang mga pangalan. Ngunit hindi pa siya binibigyan ng go signal ng management na lumaro sa liga. 

Si Schevenko “Skylar” Tendean pa rin ang mainstay gold laner ng RRQ kahit na patuloy na bumababa ang performance niya kasama sina Clayyy at Naomi.

MLBB MPL ID
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Kaya naman isang mataas na pader ang kailangan lagpasan ni RRQ Xinnn para makapaglaro sa MPL ID S12.

Ibinahagi ni RRQ coaching staff member Fadil “Rave” Abdurrahman ang sagot sa ONE Esports kung bakit ‘di pa rin nakakasabak ang beterano.


Sinagot ni Rave ang tanong kung bakit hindi pa lumalaro si RRQ Xinnn sa MPL ID Season 12 

MLBB MPL ID RRQ Xinnn
Credit: Teamrrq

Bago magsimula ang MPL Indonesia Season 12, pinalaro ng RRQ si Xinnn sa mga torneo tulad ng ESL Snapdragon Pro Series MLBB at H3RO.

Ngunit hindi siya nakapagbigay ng inaasahang resulta. Sa kabilang banda, tila naging perpekto naman ang resultang nakukuha nila noong kinalaban ng RRQ ang ONIC kasama si Skylar.

Kaya naman ‘di kataka-takang hanggang sa mid-season ng MPL ID S12, si Skylar pa rin ang pinipili ng RRQ. Nagdududa naman ang mga fans kung bakit hindi pa tinatanggal si RRQ Xinnn.

MLBB RRQ
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Si Rave, bilang isang analyst ng koponan, ay nagsalita patungkol dito at sinabing hindi naging madali para kay RRQ Xinnn na mag-debut sa MPL ID S12.  



MLBB RRQ
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

“Sa totoo lang, kaya ‘di pa rin siya pinapalaro hanggang ngayon ay dahil kakabalik lang niya sa competitive scene. Marami pa siyang kailangang gawin sa pro scene ngayon dahil iba na ito kumpara sa dati,” paliwanag ni Rave.

Kaya naman kailangan niyang mag-adapt sa kasalakuyan. Kapag handa na siya, siyempre bibigyan namin siya ng permiso na makapaglaro,” dagdag pa niya.  

Kailangan pa ng masusing pagsusuri ang resulta na natanggap ng RRQ sa unang kalahati ng liga. Maaring hindi na talaga lumahok si RRQ Xinnn sa second half. Ngunit sinong nakakaalam?

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MPL ID. 

BASAHIN: Patumbahin si Alucard gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends