In-update nitong Agosto 13, 1:30 p.m. (GMT+8): Kinumpleto ang listahan.
Bilang fans ng Mobile Legends: Bang Bang competitive scene, nasaksihan nating lahat ang pagsikat at pamamayagpag ng karera nina Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna and Danerie James “Wise” Del Rosario sa paglipas ng mga taon.
Mas kilala sa tawag na V33Wise duo, ang dalawang players na ito ang nagsisilbing pwersa sa likod ng pagsikat at paghahari ng Blacklist International sa MPL Philippines, na nagpasimula ng napakaraming strategies na nakaimpluwensya at bumago sa meta, kung kaya’t sinusundan at ginagaya na rin ng ibang teams ang kanilang mga tactics.
Dahil sa kaliwa’t kanang parangal na kanilang natanggap sa loob at labas ng bansa, walang kaduda-duda na ang V33Wise duo ang pinakamalakas na tandem na tumapak sa entablado ng MPL.
Para mabigyan kayo ng ideya kung gaano sila kalakas, narito ang listahan ng mga titulo at parangal na napanalunan ng dynamic duo mula noong pumasok sila sa competitive MLBB scene.
- Eksklusibo: Ganito tinulungan ng volleyball si BLCK Yue para makamit ang tagumpay sa MPL
- Eksklusibo: Coach Yeb sinabing hindi META ang rason sa dominasyon ng Indonesia ngayon
Mga titulo at parangal nina OhMyV33nus at Wise sa Mobile Legends: Bang Bang
Magkasama na sina OhMyV33nus at Wise bago pa man sila makapasok sa MPL.
Noong 2019, ang kanilang team ay nanalo sa qualifiers para sa MPL PH Season 4, at kinuha sila ng ONIC PH. Naglaro sila para sa organisasyon na ito nang dalawang seasons hanggang sa ma-trade sila papuntang Blacklist International bago magsimula ang MPL PH Season 6 kung saan sila nagsimulang mamayagpag.
Heto ang mga top achievements ng duo sa competitive MLBB.
Listahan ng mga podium finish ng V33Wise sa MLBB pro scene
TORNEO | PUWESTO | KOPONAN |
MPL PH Season 4 | 2nd | ONIC PH |
MPL PH Season 5 | 2nd | ONIC PH |
MPL PH Season 7 | 1st | Blacklist International |
MLBB Southeast Asia Cup (MSC) 2021 | 2nd | Blacklist International |
MPL PH Season 8 | 1st | Blacklist International |
ONE Esports MPL Invitational 2021 | 2nd | Blacklist International |
M3 World Championship | 1st | Blacklist International |
31st Southeast Asian Games | 1st | SIBOL |
MPL PH Season 10 | 1st | Blacklist International |
IESF World Esports Championship 2022 | 2nd | SIBOL |
M4 World Championship | 2nd | Blacklist International |
MPL PH Season 11 | 2nd | Blacklist International |
MSC 2023 | 2nd | Blacklist International |
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Kumpletong roster ng bawat koponan sa MPL PH Season 12