Bantog ang Blacklist International sa pagiging isa sa mga pinakamahuhusay na teams sa larangan ng paghahanap ng talentadong Mobile Legends: Bang Bang players— kasama na dito ang pinakahuling adisyon ng team na si Kenneth Carl “Yue” Tadeo.

Angat ang Blacklist sa larangang ito, at patunay ang kalibre ng kasalukuyan nilang roster na pinangungunahan ng mga tanyag na players tulad na lamang nina  Danerie “Wise” Del Rosario, Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna at Edward “EDWARD” Dapadap.

Muling pinatunayan ng organisasyon ang kanilang pagiging matinik matapos idagdag sa Yue sa roster na matatandaang nagpabilb sa MPL PH Season 11 at hinirang pa nga bilang Rookie of the Season.

Sa isang eksklusibong panayam, nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap si Yue upang alamin kung paano niya napagtagumpayan ang malaking pressure na kaakibat ng paglalaro sa isa sa pinakamagaling na MLBB teams hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.



Pagsisimula in Yue sa mapanghamong MLBB amateur scene

SIBOL MLBB 2022 final roster for IESF
Credit: ONE Esports

Bago lumayag sa kaniyang MLBB karera, naging volleyball varsity player muna ang midlaner para sa kaniyang eskwelahan. Gayunpaman, nang dumating ang COVID-19 pandemic, napagdesisyunan na lamang niya na sumubok sa MLBB.

“Nung nakarating ako ng hing rank, sumali na ako ng mga squad para mag-compete sa online tournaments,” pag-alala niya.

Ngunit ilang buwan pa lamang sa amateur tournaments, napansin niya na mas gumagaling siya sa paglalaro at nagpadesisyunan niyang seryosohin ito. Pagkatapos nito ay natagpuan niya ang kaniyang sarili sa bigating amateur teams tulad ng Sinag Pilipinas at MHRLK Esports.

SIBOL MLBB 2022 roster holding the Philippine Flag
Credit: SIBOL

“Malaking tulong saken yung Volleyball sa paglalaro ng MLBB” aniya. “Natutunan ko yung disiplina at kung paano gumawa ng mga tamang desicision sa laro dahil sa pagvovolleyball.”

Nakuha niya ang kaniyang break pagkatapos makarating ang MHRLK Esports sa IESF SIBOL 2022 combine kasama ang Blacklist International para maging kinatawan ng Pilipinas sa worldstage.

Kumpletong roster ng Blacklist ang napili sa naturang combine, at isa si Yue sa dalawang manlalaro mula MHRLK na nakapaglaro kasama ang star-studded squad.

“Yun yung pinakamalaking break sa buhay ko”, kuwento niya.”Malaking honor yung ma-represent ko yung Pinas kasama yung Blacklist”

Gumana ang ‘manifesting’ ni Yue sa kaniyang pangarap na maglaro sa MPL PH

Official roster of Blacklist International in MPL PH Season 11
Credit: Blacklist International

Bagamat second place lamang ang naabot ng SIBOL sa IESF, nakita ng Blacklist ang potential ng midlaner kung kaya’t pagdako ng Season 11 ay isinalng ng M World Champions ang amateur star.

“Sobrang saya ko pero tinanong ko muna mga sa mga friends at family ko kung kukunin ko gra-grab ko ba yung opportunity. Lahat sila sabi, oo.”

Malaking puwang ang kinailangang punan ng pro dahil pinalitan niya ng roster ng beteranong si Salic “HADJI” Imam na nagpahinga muna sa season na iyon. Pag-aamin niya, malaki daw itong responsibilidad, kung kaya’t may ginagawa siya kapag dumarating ang kabog dibdib niya.

“Andoon pa rin yung pressure, pero iniisip ko lang lahat ng positive bawat oras na naglalaro ako para hindi naaapektuhan yung performance ko sa game.”

Yue in the starting five of Blacklist International in MPL PH S11
Credit: Blacklist International

Mukha namang nagbunga ang atakeng ito ni Yue dahil napakagandang performance ang ipinakita niya sa Season 11, sapat para tulungan ang Blacklist makuha ang second-place finish. 

Bukod dito, nakita din ng liga ang galing ng baguhan dahil ginawaran siya ng Rookie of the season gantimpala.

Ngayong nasa tugatog ng kaniyang karera, may handog na payo ang si Yue para sa mga nangangarap na maging professional esports player tulad niya.

“Kailangan tuloy-tuloy ka at hindi ka puwedeng sumuko,” banggit niya. “Mahihirapan ka sa una pero worth it sa dulo.”

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at updates tungkol sa MLBB.

BASAHIN: OhMyV33NUS bukas daw sa ideya na magpapasok ng imports sa Blacklist International, may isang player nang naisip