Sa nakalipas na taon, hindi maikakaila na napakalaki ng naiambag ng mga Filipino pro players sa iba’t ibang MPL regions sa labas ng MPL Philippines.

Ilan sa mga matutunog na pangalan ngayon katulad na lamang nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol ng ONIC Esports at Mariusz “Donut” Tan mula sa BURN X Flash ay bumago ng dinamiko ng teams na kasalukuyang kinabibilangan nila ngayon, dahilan para makuha nito ang tugatog ng tagumpay.

Sa kabila ng pag-usbong ng kalakarang ito, wala pa ring imports na naglalaro sa MPL PH.

Naniniwala ang Blacklist International superstar na si Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna na oras na para buksan ng MPL PH teams ang kanilang mga isip ukol sa pagdadala ng imports papunta sa liga.



Bakit bukas si OhMyV33NUS sa ideya na magpapasok ng imports sa MPL PH

Blacklist International superstars na sina Jonmar "OhMyV33NUS" Villaluna at Danerie "Wise" Del Rosario sa CONQuest 2022
Credit: ONE Esports

Sa isang livestream, sinagot ng 29-anyos na roamer ang tanong ng isa niyang tagasubaybay tungkol sa ideya ng pagpapalaro ng imports sa Blacklist International. Aniya, gusto daw niya itong makita na mangyari.

Nang sinambit ng kaniyang katambal na si Danerie “Wise” Del Rosario ang pangalanng ONIC Esports pro na si Albert “Alberttt” Iskandar sa background, tumungo ang beteranong pro.

“Yeah actually! Gusto ko nga ma-experience ‘yon eh,” banggit ng tinatawag ding “The Queen”. “Kunwari ‘yung Indo kumukuha sila ng mga PH imports para malaman ‘yung kalakaran natin dito sa PH. Tapos ‘yung Malaysia, Singapore. ‘Di ba?”

Pagpapalawig pa ng hall of famer esports athlete, “Sabi ko bakit hindi naman tayo ang ano, kumuha ng Indo players ‘no. Or someone from Malaysia or Singapore. ‘Tas batakin natin sila sa scene ng PH!”



Walang duda na ang Indonesia, partikular na ang ONIC Esports, ang pangunahing nakinabang sa pagkuha ng imports mula sa Pilipinas.

Ang adisyon nina Kairi at ng coach na si Denver “Yeb” Miranda ang patuloy na nagtutulak sa kanila papunta sa tugatog ng eksena. Kabilang sa mga nakalawit ng team ay ang dalawang magkasunod na MPL ID titles, ang MPLI 2022 korona, ang kampeoanto ng MSC 2023, at ang ESL Snapdragon title kamakailan lamang.

ONIC Esports members at ang tropeyo ng ESL
Credit: ONE Esports

Ngayong papalapit na ang pagbubukas ng MPL PH Season 12, inaantabayanan ng mga miron kung magkakaroon ba ng puwang ang imports sa teams sa liga.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at updates tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Eksklusibo: Bigetron Esports nagdagdag ng isang 11-anyos na batang lalaki sa kanilang roster