Patuloy ang pagkasabik ng madla para sa mga bakbakang magaganap sa MPL Indonesia Season 12 ngunit marami na ang tumataya na ONIC Esports na maghahari sa pinakamalaking liga ng Mobile Legends: Bang Bang sa bansa.

Totoong masyado pang maaga para sabihin na Yellow Hedgehog team na magtatagumpay sa torneo ngunit sa paghihimay na ginawa ng ONE Esports, natagpuan namin ang tatlong malalaking rason kung bakit ganito na lamang ang opinyon ng analysts tungkol dito.



3 rason kung bakit ONIC Esports pa rin ang magtatagumpay sa MPL ID S12

1. Nakasakay ang ONIC Esports sa pambihirang momentum

Credit: ONE Esports

Pangunahing rason kung bakit ganito na lamang ka-paborito ang ONIC Esports ngayon ay ang kanilang dominasyon sa mga huling MLBB tournaments na gumulong mapa-international o local stage. Hindi madaling burahin sa alaala ang ginawa nila para mapagtagumpayan ang MPL ID S10 at MPL ID S11, bago pumihit ng pambihirang performance sa MSC 2023.

Walang nakapalag sa galawang ipinakita ng pangkat ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol, kabilang na dito ang pagpapadapa sa EVOS Legends sa S11 Grand Final sa 4-0 sweep, kasama pa ang 3-0 sweep kontra M4 World Champions ECHO sa MSC 2023. Kahit pa ang matikas na Blacklist International ay hindi nakasabay sa makinarya ng ONIC na tinapos sila sa 4-2 serye sa grand final.

Ngayong papasok sa MPL ID S12, dala ng koponan ang ibang lebel ng momentum at kumpiyansa sa kanilang mga sarili kung sandamukal ang fans na tumataya sa koponan.


2. Pambihira at pinalakas pang roster

Credit: ONE Esports

Bagamat dominante na sa mga nakalipas na torneo, hindi tumigil ang ONIC Esports management na lalong palakasin ang kanilang roster na kamakailan lamang ay kinuha ng serbisyo ng batikang jungler at former RRQ Hoshi superstar na si Albert “Alberttt” Iskandar.

Katambal ni Kairi, pambihirang flexibility ang epekto nito sa Hedgehog team at tinitignan bilang isang malaking move para paigtingin pa ang kemistring nabuo ng squad gawa ng relasyon ni Albertt sa analyst ng team na si Coach Adi.


3. May ‘pyschological advantage’ ang ONIC kontra sa teams sa MPL ID

Malaking rason din kung bakit bumabangko ang madla sa koponan ay ang kanilang psychological advantage sa kanilang mga kalaban. Ito ay gawa ng mala-halimaw nilang performances noong nakaraan na maaaring sandalan ng ONIC sa mga susunod na paghaharap nila kontra sa makakalabang teams.

Bagamat susubukang paghandaan ng MPL ID teams ang back-to-back champions, maaaaring maging factor ang mga nakalipas na performances ng team partikular na sa breaks of the game kung saan batikan ang hanay.

Hawak ang momentum, pambihirang mechanics at abante sa aspetong mental, hindi na kagulat-gulat kung bakit ONIC Esports ang nanatiling paborito para maging kampeon sa magbubukas na MPL ID Season. 

Kaya naman, lahat ng mata ay nasa panig ng ONIC, at inaabangan ng lahat kung magagawa ba nilang gawing realidad ang inaasahan para sa kanila.

Sundan ang pinakahuli sa MLBB esports sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Beteranong AURA Fire pro na si Fluffy kumalas na sa organisasyon