Opisyal nang hihiwalay ang talentadong EXP laner na si Regi “Fluffy” Marviola mula sa AURA Fire alinsunod sa inilabas na anunsyo noong June 28, Miyerkules.

Ito na ang magsisilbi bilang pagtatapos ng mahabang karera ni Fluffy kasama ang organisasyon kung saan nagsimula siya bilang player ng MDL team, bago maging primerang EXP laner ng MPL team ng brand noong Season 7.

Sa punto ring ito na pinunan ng beterano ang iniwang puwang ni Yosua “Tezet” Sanger na nag-transition bilang coach/analyst ng koponan. Sa kaniyang karera bilang parte ng AURA, malaki ang inambag ni Fluffy para panatilihing matikas ang hanay hanggang sa huli niyang appearance para dito noong MPL ID Season 11.

Credit: ONE Esports

Bago pa man isapubliko ang anunsyo, marami ng bulungan tungkol sa pagkalas ni Fluffy sa pre-season at ang anunsyo ang kumumpirma sa mga haka-haka.


Fluffy nagpaalam na mula sa AURA org

Isinapubliko ni Fluffy ang balita ng kaniyang pag-alis sa AURA TV Youtube channel kung saan inihayag niya ang kaniyang huling mensahe para sa kaniyang mga taga-suporta. Laman ng nasabing mensahe ang lubos na pagpasalamat ng pro sa AURA Fams at sa mga miyembro ng organisasyon na itinuring daw niya bilang mga kapamilya.

Credit: ONE Esports

“My time with AURA has provided me with a wealth of experiences. AURA is not just a team; it has become my home,” sabi ni Fluffy sa Bahasa na isinalin sa ingles. Binalikan din ng EXP laner ang oras kasama ng organsisasyon at sa huli ay nanghingi ng paumanhin sa AURA Fam dahil aniya ay hindi raw niya natumbasan ang inaasahan mula sa kaniya ng mga ito.

Bagamat hindi na suot ang AURA uniform, patuloy daw si Fluffy na susuporta sa hinaharap ng koponan. “Even though I am no longer part of AURA, I will always pray for their success. I believe that the fire that burns within them will never fade. People come and go, and so do I,” aniya.

Credit: ONE Esports

Ngayon tatahak sa susunod na kabanata ng kaniyang karera, nanatiling positibo ang mindset ng pro sa mga darating na pagsubok.

Manatiling nakatutok sa pinakahuli sa MLBB esports sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Bigetron Alpha handa ng “nakawin ang tropeyo” sa darating na MPL ID S12