Isang taon lamang ang nakakaraan, si Mariusz “Donut” Tan ay katulad din ng iba pang mga nag-aambisyong players ng Mobile Legends: Bang Bang, na nagpupunyagi na may mapatunayan sa pro scene.

Ngayong taon, ang kanyang dedikasyon at sipag ay nagdala sa kanya sa mga bagong taas, nagbibigay sa kanya ng reputasyon bilang isa sa mga pinakamahusay na gold laners sa kasalukuyan.

Maliban sa paghatid sa BURN X Flash sa kanilang ikalawang titulo sa MPL Cambodia (MPL KH), ibinida rin niya ang buong rehiyon. Ang kanyang koponan ay naging unang koponan mula sa Cambodia na nakamit ang top-four na puwesto sa isang internasyonal na torneo sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023).

Sa isang panayam sa ONE Esports, ibinahagi ng 20-anyos ang kanyang paglalakbay mula sa pagharap sa mga kahirapan sa MPL PH hanggang sa pagiging isang superstar sa MPL KH.

Tinanggap ni Donut ang hamon nang yayaing mag-try out sa BURN X FLASH, at siya na ngayon ang star ng team

BURN X FLASH MPL KH
Credit: MPL Cambodia

Hindi naging madali ang landas ni Donut sa competitive scene.

Noong nakaraang taon kasama ang Nexplay EVOS sa Pilipinas, humarap ang koponan sa maagang eliminasyon sa Season 9 at hindi nakapasok sa playoffs ng Season 10.

Gayunpaman, nagkaroon ng malaking pagbabago nang imbitahan ni BURN X Flash coach Mitch “zMitch” Sato si Donut na sumubok para sa koponan, na nagmarka ng kanyang unang karanasan sa isang foreign squad.

“Una tinignan ko po muna yung sarili ko kung kaya ko bang pumunta sa ibang bansa bilang isang import dahil sa kultura, pagkain, at iba pang mga pagbabago.”

Ngunit sa tulong ng patuloy na pagsuporta ng kanyang mga magulang, nagpasya si Donut na tumaya at sumali sa koponan bago matapos ang MPL KH Spring Split 2023.

Napakahirap ng paglalakbay sa simula.

BURN X FLASH Donut
Credit: ONE Esports

“Language po talaga yung pinakamahirap kasi sanay sila makipag-usap sa local language nila.”

Mabuti na lang at ang kanyang mga kasamahan sa koponan ay may kaunting kaalaman sa English, na nakatulong upang maibsan ang suliranin.

Unti-unti nilang natagpuan ang kanilang rhythm, nakapasok sila sa playoffs at sa huli’y nagwagi sa kampeonato upang magkamit ng puwesto sa MSC 2023.

Pinangalanan ni Donut ang player na gusto niyang isama sa BURN X FLASH

Donut ABA Bank
Credit: Donut

Matapos ang kanyang unang tagumpay sa MPL KH, nakatanggap ang 20-anyos ng hindi inaasahang endorsement offer mula sa ABA Bank, ang pinakamalaking komersyal na bangko sa Cambodia.

“Sa simula, hindi ako makapaniniwala kasi makikita mo sila kahit saan, parang hindi na nila kailangan ng promotion,” ibinahagi ni Donut.

Lalong lumitaw ang lawak ng kanyang kasikatan sa MSC 2023, kung saan puno ng mga nakatutok na tagahanga ng Cambodia ang lugar na buong puso na sumusuporta sa kanya at sa BURN X Flash, na nagpapakita ng malaking suportang natamo niya sa loob ng bansa.

MSC 2023 audience
Credit: Moonton

Gayunpaman, bagaman may kasalukuyang kasikatan at tagumpay si Donut sa Cambodia, aminado siyang paminsan-minsan ay ninanais niya ring bumalik sa Pilipinas.

Namimiss niya ang kanyang pamilya, lutuing Pinoy, kanyang mga kaibigan, at ang mga lugar na may sentimental value sa Pilipinas.

Bukod dito, ibinahagi ni Donut ang kanyang paghahangad na muling makasama ang kanyang dating kasamahan sa Nexplay EVOS, si John Paul “H2wo” Salonga.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, sinabi niyang masaya niyang kukunin ang kanyang dating kasamahan upang sumali sa koponan, na pinupuri niya bilang isang taong positibo, magiliw, at magiging matagumpay sa Cambodia.

“Gusto kong makalaro ulit si H2,” sabi ni Donut. “Positive siyang tao, palakaibigan, magiging maganda ang career niya dito sa Cambodia.”

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.