Ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023) magbubukas na ngayong June sa Kingdom of Wonder, Cambodia.
Makakasama sa tornament ang mga bagong koponan at rehiyon, kasama na ang mga bansa na hindi kasama sa Southeast Asia tulad ng rehiyon ng North America, Turkey, at ang Middle East and North Africa (MENA).
Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa tornament, kasama ang format, schedule, mga resulta, at kung saan mapapanood.
Ano ang MSC 2023?

Ang taunang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) ay nagsimula noong 2017 at tampok ang mga pinakamahuhusay na koponan mula sa Timog-Silangang Asya.
Mas magiging kapanapanabik ang torneong ito ngayong taon dahil kasama na ang mga koponan mula sa labas ng Timog-Silangang Asya, kabilang ang North America, Turkey, at MENA.
Bukod pa rito, gaganapin ang tournament sa Cambodia, ang unang pagkakataon na ito’y isasagawa doon.
Format ng MSC 2023
Hindi pa inaanunsyo ng Moonton ang opisyal na format ng tournament.
(to be updated)
Schedule ng MSC 2023

Ang group stage ay nakatakdang ganapin mula June 10 hanggang 13, na may isang araw na pahinga sa June 14.
Pagkatapos ng group stage, ang playoffs ay gaganapin mula June 15 hanggang June 18.
(to be updated)
Mga qualified teams sa MSC 2023
TEAM | TOURNAMENT |
ECHO | MPL PH Season 11 champion |
Blacklist International | MPL PH Season 11 runner-up |
ONIC Esports | MPL ID Season 11 champion |
EVOS Legends | MPL ID Season 11 runner-up |
TODAK | MPL MY Season 11 champion |
RSG Slate SG | MPL SG Season 5 champion |
Burn x Flash | MPL KH Spring Split 2023 |
Team Occupy | MPL MENA Spring Split 2023 |
Fenix Esports | Myanmar qualifier |
Outplay | NACT Spring 2023 |
Fire Flux Impunity | MTC Turkiye Championship Season 1 |
EVO Esports | Mekong qualifier |
Saan ito mapapanood?

Ang lahat nang games ay may livestream sa opisyal na Mobile Legends: Bang Bang social media platforms.
Ang mga fans sa Cambodia ay maaaring manood ng playoffs nang live sa Aeon Mall Mean Chey sa Cambodia. Ang mga tiket para sa semifinals, third-place match, at grand final ay magiging available simula May 26 sa pamamagitan ng WOWNOW.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.