Ang Bigetron Esports ay naghahanap ng susunod na pinakamahuhusay na player sa Mobile Legends: Bang Bang, at tila natagpuan na nila ang kandidatong sakto sa hinahanap nila.

Sa isang kamakailang meet and greet event, nagulat ang fans ng Bigetron nang ipakilala nila si Arif, ang pinakabagong MLBB player ng organisasyon, sa libu-libong tagahanga na nandoon.

Ang nakakagulat pa dito ay 11 taong gulang pa lamang si Arif, kung kaya isa siya sa mga pinakabatang players na pumirma para sa professional MLBB team sa Indonesia.



Umaasa ang Bigetron Esports CEO na sisikat si Arif sa larangan ng Mobile Legends esports

Arif Bigetron Esports
Credit: Bigetron Esports

Sa isang eksklusibong panayam kay Bigetron CEO Edwin “Starlest” Chia, ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa natatanging performance ng batang manlalaro nang matuklasan niya ito sa isang stream, na nagtulak sa kanya na upang kunin ang batang bituin.

“I have hope that within the next 5 years, Arif will be able to compete in MPL ID,” sabi niya.

Gayunpaman, dahil sa mga patakaran sa edad na nakasaad sa rulebook ng MPL at MDL, itatakda si Arif bilang trainee ng koponan sa MLBB hanggang sa maabot niya ang minimum na edad na 16.

Binigyang-diin din ni Starlest na mananatiling unang prayoridad ang edukasyon niya, at sasali lamang siya sa mga aktibidad ng MLBB team tuwing bakasyon upang mas malalim na maunawaan ang professional scene.

“This approach ensures that when he reaches the appropriate age, he will be thoroughly prepared to tackle the challenges of competitive play,” dagdag pa ni Starlest.

Royal Matador Lancelot
Credit: Moonton

May dahilan kung bakit gustong-gusto ng Bigetron na kunin agad ang batang manlalarong ito.

Nakamit niya ang pagkilala dahil sa kanyang kahusayan sa paggamit ng Lancelot, isa sa mga pinakamahirap na heroes sa laro.

Ang pinakamataas na naabot niyang ranggo sa hero na ito ay nasa ika-98 sa global leaderboard, isang mahirap na tagumpay na makuha lalo na’t ang Indonesia ang may pinakamaraming players ng MLBB sa anumang bansa.

Nakapag-ipon rin siya ng mahigit 35,000 followers sa TikTok, kung saan madalas niyang ini-stream ang kanyang gameplay.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ekslusibo: Bakit nga ba may private room si Lemon sa gaming house ng RRQ?