Para sa Kingdom at mga taga-obserba ng Mobile Legends: Bang Bang scene sa Indonesia, hindi sikreto na mayroong sariling kwarto si Muhammad “Lemon” Ikhsan sa gaming house (GH) ng RRQ. Ito ay isang ekslusibong pribilehiyo para sa mga manlalaro at binansagang ‘Alien’ habang ang iba naman ay sama-sama sa kanilang silid. 

Maaari itong maging usap-usapan na si Lemon ay ang ‘golden child’ ng RRQ o kaya naman ito ay isang espesyal na pribilehiyo na bininibigay ng kanilang management para sa mga manlalaro. 

Lalo pang pinatibay ang pag-aakala ng madla dahil sa katotohanang si Lemon ay isa sa pinakamalaking personalidad. Siya rin ang isa sa pinakamatagal na active na manlalaro hanggang sa ika-11 season ng MLBB Professional League Indonesia (MPL ID). 

Ekslusibo: Bakit nga ba may private room si Lemon sa gaming house ng RRQ?
Credit: ONE Esports

Sa madaling sabi, ang konsepto ng pagiging golden child o pagtanggap ng isang espesyal na pribiliheyo galing sa management ay hindi sinasang-ayunan ng CEO ng RRQ na si Andrian “PAK AP” Pauline. May mahabang kwento ito sa likod ng dahilan kung bakit mayroon ng private room si Lemon sa GH ng RRQ na hindi alam ng maraming tao. 

“Banyak orang menganggap dia idola, mungkin dia idola atau panutan. Sampai detik ini, selama 6 tahun bareng RRQ, dia tidak ada permintaan apa pun. Dia cuma minta kamar,” paliwanag niya sa ONE Esports.

(Maraming tao ang nakakita sa kaniyang bilang idolo, marahil na siya ay isang idolo o kaya ay role model. Hanggang ngayon, sa loob ng anim na taon sa RRQ, hindi na siya humiling ng anumang bagay. Siya lamang ang nag-request ng isang private room.)

Ekslusibo: Bakit nga ba may private room si Lemon sa gaming house ng RRQ?
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports


Ang kwento kung bakit may private room si Lemon sa GH ng RRQ

Ekslusibo: Bakit nga ba may private room si Lemon sa gaming house ng RRQ?
Credit: ONE Esports

Ayon sa ibinunyag ni Pak AP, ang tanging bagay na hiniling ni Lemon sa management ay magkaroon ng sariling kwarto sa GH ng RRQ. Hindi rin naman ibinigay ang pribileheyo na ito nang walang magandang dahilan.

Hindi rin agad-agad na binigay ng management ang private room ni Lemon. Wala pa ito noong sumali si Lemon sa RRQ.

Dati, hirap ang manlalarong may apat na MPL ID titles na makatulog dahil may iba itong kinagawian kumpara sa ibang miyembro ng RRQ. Naaapektuhan nito si Lemon kaya’t pumayag ang management na magkaroon ito ng private room para na rin sa kalagayan ng manlalaro.

“Saya mau cerita sedikit yang orang tidak tahu, Lemon itu suka tidur di waktu yang tepat. Jam 11 sudah tidur, atau jam 10 sudah tidur. Bangun pagi-pagi, mandi, baca berita, nonton, dan lainnya. Siklus (keseharian) dia seperti itu,” kata Pak AP.

Ekslusibo: Bakit nga ba may private room si Lemon sa gaming house ng RRQ?
Credit: ONE Esports

(Gusto kong magbahagi ng isang bagay na hindi alam ng karamihan. Naka-ugalian na ni Lemon na matulog nang tama sa oras. Natutulog siya sa ika-11 o ika-10 ng gabi. Nagigising siya nang maaga, naliligo, nagbabasa ng balita, nanonood ng videos, at iba pa. ‘Yan ang kanyang routine araw-araw.)

“Waktu itu jaman RRQ O2, kami hanya punya kamar tidur yang terbatas karena ada tim Dota2 juga. Ada Acil dan lainnya. Lemon itu setiap hari tidak bisa tidur sebenarnya, kurang tidur karena Tuturu tidur jam 2, kadang-kadang InstincT dan Barrier streaming atau live Instagram di kamar, jadi Lemon tidak bisa tidur,” tuturnya.

Ekslusibo: Bakit nga ba may private room si Lemon sa gaming house ng RRQ?
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

(Noong panahon ng RRQ O2, limitado lang ang kwarto namin dahil may Dota 2 team pa. Naroon si Acil at iba pa. Hindi makatulog nang maayos si Lemon kada araw kasi ikalawa ng umaga na natutulog si Tuturu, minsan si InstincT at Barrier ay magii-stream pa o magla-live sa Instagram sa parehong kwarto kaya hindi makatulog si Lemon.)

Hindi lang dahil may ibang oras ng pagtulog si Lemon sa ibang RRQ players, ipinaliwanag din ni Pak AP na madaling magising si Lemon sa mga ingay habang natutulog.

“Dia sensitif dengan suara karena ada anak-anak yang mendengkur, dan lain-lain. Dia berusaha untuk survive di setiap harinya. Akhirnya ketika kami renovasi rumah, dia minta kamar karena tidak enak mau menegur yang lainnya karena jam tidurnya kurang, dan temperatur kamar dia itu berbeda dari yang lainnya,” ani Pak AP.

(Sensitibo siya sa ingay dahil may mga bata na humihilik at iba pa. Sinusubukan niyang mag-survive bawat araw. Noong ni-renovate namin ang bahay, humiling siya ng sariling kwarto dahil hindi siya kumportable na kausapin ang iba tungkol sa kanilang sleep schedules. Iba rin ang temperatura ng kanyang kwarto sa ibang player.)

“Dengan segala macam masalah itu, dia juga sudah berusaha, dan teman-temannya juga bisa melihat bagaimana ekspresi dia ketika juara Season 5, Season 6, MPLI (4 Nation Cup), hanya biasa saja begitu,” tuturnya.

Ekslusibo: Bakit nga ba may private room si Lemon sa gaming house ng RRQ?
Credit: Instagram/Ikhsan_Lemon

(Sa kabila ng mga isyu, nag-effort pa rin siya, kaya pansin ng kanyang mga kakampi na hindi nag-iba ang kanyang expression nang mag-championship sila noong Season 5, Season 6, at MPLI.)

Sa madaling salita, mayroon nga talagang mga gawi si Lemon na kakaiba sa ibang mga manlalaro ng RRQ. Marahil ito rin ang nagiging dahilan kung bakit siya’y isang hindi karaniwang manlalaro kumpara sa lahat ng mga manlalarong kailanman ay naglahad ng RRQ.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito ang mga makakalaban ng ECHO at BLCK sa group stage ng MSC 2023