Ipinakilala na ang pinakabagong miyembro ng Hall of Legends ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philipines, at ito ay walang iba kung hindi si Edward “EDWARD” Dapadap.

Inanunsyo ng Moonton na ang EXP laner ng Blacklist International ang pinakabagong miyembro ng Hall of Legends para sa season na ito. Siya ang ika-11 na inductee matapos ang naunang 10 players at personalities na napili noong isang taon.

Tinanggap niya ang parangal bago ang grand final match sa pagitan ng Blacklist International at ECHO, at pinasalamatan ang lahat nang bumoto para sa kanya.

Mga tagumpay ni EDWARD sa mga nakalipas na taon

Blacklist International Edward MVP MPL PH
Credit: ONE Esports

Sa isang press release, ipinaliwanag ng Moonton Regional Public Relations Manager na si Keith Medrano kung bakit karapat-dapat ang Blacklist star para sa nasabing parangal.

“He showcased strength in every MLBB gameplay, made remarkable contributions in diversifying and rewriting the Philippine meta, and brought legacy with multiple championships that solidified the country’s position in the competitive mobile esports map,” sabi ni Medrano.

Walang duda na ang 18-anyos ang isa sa mga pinaka-iconic na players sa competitive Mobile Legends.

Nakakuha na siya ng tatlong MPL PH championships noong Seasons 7,8, at 10. Bukod pa dito ay siya rin ang unang player sa MPL PH na nakasungkit ng dalawang grand final MVP noong Seasons 7 at 10.

Ang pinakamalaki niyang tagumpay ay ang pagkapanalo sa M3 World Championship noong 2021.

MPL PH Hall of Legends Inductees
Credit: Moonton

Si Agent Zero ang ikatlong Blacklist International player na na-induct pagkatapos ng dynamic duo na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie “Wise” Del Rosario.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.