Bilang mga fans ng Mobile Legends: Bang Bang competitive scene, nasaksihan nating lahat ang pagsikat at pamamayagpag ng karera nina  Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna and Danerie James “Wise” Del Rosario sa paglipas ng mga taon.

Mas kilala sa tawag na V33Wise duo, ang dalawang players na ito ang nagsisilbing pwersa sa likod ng pagsikat at paghahari ng Blacklist International sa MPL PH, na nagpasimula ng napakaraming strategies na nakaimpluwensya at bumago sa meta, kung kaya’t sinusundan at ginagaya na rin ng ibang teams ang kanilang mga tactics.

Dahil sa kaliwa’t kanang parangal na kanilang natanggap sa loob at labas ng bansa, walang kaduda-duda na ang V33Wise duo ang pinakamalakas na tandem na tumapak sa entablado ng MPL .

M3 World Championship Estes skin Blacklist International
Credit: Moonton

Para mabigyan kayo ng ideya kung gaano sila kalakas, narito ang listahan ng mga titulong napanalunan ng dynamic duo mula noong pumasok sila sa competitive MLBB scene.

Mga achievements nina OhMyV33nus at Wise sa Mobile Legends: Bang Bang

Ang duo ay magkasama na bago pa man sila makapasok sa MPL. Noong 2019, ang kanilang team ay nanalo sa qualifiers para sa MPL PH Season 4, at kinuha sila ng ONIC PH. Naglaro sila para sa organisasyon na ito nang dalawang seasons hanggang sa ma-trade sila papuntang Blacklist International bago magsimula ang MPL PH Season 6 kung saan sila nagsimulang mamayagpag.

Narito ang mga top achievements ng duo sa competitive Mobile Legends: Bang Bang.

Listahan ng mga panalong nakamit ng V33Wise

OhMyV33nus Wise M3 Championship
Credit: Blacklist International
TOURNAMENTPLACEMENTTEAM
MPL PH Season 42ndONIC PH
MPL PH Season 52ndONIC PH
MPL PH Season 71stBlacklist International
MLBB Southeast Asia Cup 20212ndBlacklist International
MPL PH Season 81stBlacklist International
ONE Esports MPL Invitational 20212ndBlacklist International
M3 World Championship1stBlacklist International
31st Southeast Asian Games1stSIBOL

Hindi pa inaanunsyo ng Blacklist International kung magbabalik ba ang duo para sa MPL PH Season 10. Ano man ang maging plano nila, hindi maitatanggi ang tatak na iniwan ng V33Wise sa kasaysayan ng MLBB na hindi malilimutan magdaan man ang maraming taon.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.