Ang kawalan nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario sa roster ng Blacklist International para sa MPL PH Season 12 ay ikinagulat ng lahat.

Importante ang season na ito dahil ito ang tutukoy kung aling teams ang makakakuha ng spot sa paparating na M5 World Championship, ang pinakamalaking MLBB tournament ng taon.

Bagaman hindi ibinunyag ng organisasyon ang rason sa pahinga ng dynamic duo, ibinahagi ni OhMyV33nus kung bakit ‘di sila maglalaro sa darating na season.



Ginusto nina OhMyV33nus at Wise na magpahinga noong MSC, ngunit napurnada ang kanilang plano

MLBB M4 World Championship Blacklist International OhMyV33nus

Sa isang podcast kasama sina V33nus, Wise, at dating ONIC PH ambassador na si Arvin “Toriyama” Recio, ibinunyag ng duo na ang kanilang intensyon ay lumahok sa Season 12 at magpahinga na lang muna sa MSC 2023.

“Sobrang na-drain ako nung S11 ‘tsaka MSC. Kung sasabak kami ng S12, gusto ko sana may plano tayo,” ani ng M3 world champion. “Pero ayun nga, since sobrang iksi lang nung time ng preparation ng after ng MSC sa pasahan ng lineup, parang ang hirap na kaming maka-singit ni Wise.”

Nagbunga ang kanilang tiyaga, dahil nakakuha sila ng pwesto sa grand finals laban sa ECHO, kung saan naka-secure sila ng slot sa mid-season tournament.

Kinausap niya kasama si Wise sina Blacklist CEO Tryke “Tryke” Gutierrez at coaching staff patungkol sa kanilang kagustuhan na magpahinga muna matapos ang MPL PH Season 11 grand final.

MLBB MSC 2023 Blacklist International
Credit: Moonton

Pinagkasunduan ng lahat ng mag-step back muna ang dalawang players sa MSC, at pupunan ng mga Blacklist Academy members ang kanilang pwesto. Ngunit may hindi inasahang pangyayari ang naganap. 

“Kinausap namin si Sir Joy (Moonton representative) noong time na ‘yon… Ang sabi niya, ‘Uy bawal magpalit ng lineup,'” kuwento ni OhMyV33nus.

“Nagulantang kami lahat. Legit bawal? Kahit ‘yung from MDL? ‘Ay bawal talaga. Kung ano lang ‘yung lineup na nag-qualify.'”

Bago pa magsimula ang MPL PH Season 11, ipinaalam ng Moonton sa bawat koponan na naka-lock na ang bawat roster. Nangangahulugan ito na kung sinumang koponan ang makakapasok sa MSC 2023 ay dapat sumabak dito nang may lineup na katulad sa MPL PH.

Bilang resulta, kinailangan lumahok ng V33Wise sa MSC, at naurong ang kanilang break sa Season 12.

Tinapos ng Blacklist International ang MSC bilang runner-up matapos ang isang mainit na grand final showdown kontra kila Kairi “Kairi” Rayodelsol at ONIC Esports.

Pakinggan ang buong podcast dito:



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita patungkol sa MPL at MLBB. 

BASAHIN: Kumpletong roster ng bawat koponan sa MPL PH S12