Naging kauna-unahang Myanmar player sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Indonesia si RRQ Naomi (Min Ko) matapos siyang kunin ng “King of Kings” ngayong season.

Agad niyang napakilig ang puso ng MLBB Indonesia fans sa kaniyang matitinding performance.  

Matagal nang sikat ang dating Falcon Esports roamer dahil sa kaniyang galing sa paglalaro sa Land of Dawn. Ang kaniyang performance sa 32nd SEA Games ay nagpwersa ng elimination sa Indonesia sa group stage, kahit pa isa sa top teams ng torneo ang naturang national team.

Credit: Moonton

Noong unang pagpasok niya sa RRQ, kinuwestyon ang kaniyang laro dahil hindi siya nakakapagbigay ng magandang resulta sa unang torneong sinalihan niya kasama ang koponan, ang H3Ro Esports 4.0. 

Ngunit pagdating ng MPL ID S12 regular season, napatunayan ni RRQ Naomi na hindi nagkamali ang pamosong koponan sa pagkuha sa kaniya.



Ang kakaibang istilo ng paglalaro ni RRQ Naomi  

MLBB RRQ Naomi
Credit: ONE Esports

Kung nakita mo na mismo kung paano maglaro si RRQ Naomi, mapapansin mong may kakaiba sa paraan ng kaniyang paglalaro.

‘Di tulad ng mga pro players na ang gamit ay hinlalaki, ginagamit ni Naomi ang kaniyang index finger (hintuturo) para mag-direkta ng skills.



Nang tanungin kung bakit ganoon na lamang ang paraan ng kanyang paglalaro, sinabi niyang bihasa na siya sa paggamit ng kanyang hintuturo.

“Gamit-gamit ko na talaga ang index finger ko simula pa noong unang beses akong naglaro ng mobile MOBA game,” ani ni RRQ Naomi, na salin mula sa Ingles.

Kasalukuyang isa sa mga pinakasikat na player si Naomi ngayon sa MPL ID Season 12. Nanatili siya sa tuktok ng Regular Season MVP rankings, liyamado sa Pinoy star jungler na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol ng ONIC Esports.

Nakapaghain din ang RRQ ng magandang resulta matapos mangibabaw sa MPL ID S12 standings. Sa anim na larong natitira, kakayanin kaya nila itong mapanatili hanggang matapos ang season?

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB. 

BASAHIN: Recipe ni RRQ Lemon binili ng isang beverage company sa halagang PHP3.7 milyon