Hindi kinailangan ng RSG Philippines ng karagdagang games para iligpit ang RRQ Hoshi upang maiuwi ang kampeonato ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022), ang pangalawang titulo para sa bansa sa magkasunod na taon.

Credit: ONE Esports PH

Bagamat madikit ang labanan sa unang tatlong laro ng serye ay hindi na pinyagan ng RSG PH na makarebanse ang Indonesian squad sa Game 4 kung saan bumida ang Khufra ng MPL Philippines reigning MVP na si Dylan “Light” Catipon.

Susi ang Tyrant’s Rage at Tyrant’s Revenge plays ni Light para makuha ang core members ng RRQ, partikular na sa ika-16 minuto ng laro na epektibong nagsarado ng serye para sa kaniyang koponan.


Pinataob ng RSG PH ang RRQ Hoshi gamit ang 4-0 sweep

Ngunit hindi lamang sa series decider lumabas ang husay ng pro na taga-Naic, Cavite. Bida rin ang kaniyang Lolita sa Game 2 na nagbigay ng momentum para sa PH squad para itulak ang RRQ sa mahirap 0-2 bangin.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Bukod kay Light, malaki rin ang bahaging ginawa nina Arvie “Aqua” Calderon at Eman ‘EMANN’ Sangco para sindihan ang arangkada ng RSG PH.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Ipinakita ni Aqua ang bagsik ng kaniyang Xavier sa malagkit na game 1 kung saan naghabol ang koponan ng halos 9k gold deficit bago ibaling ang laro sa ika-28 minuto. Muli’t-muling binagsakan ng pos 4 ng kaniyang Dawning Light ultimate ang mga miyembro ng RRQ para malaman ang kanilang positioning at mapigilan ang tangka nilang basagin ang base ng Pinoy squad.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Gayundin ang husay na ipinamalas ni EMANN samga games na nilaro sa serye. Partikular na nakita ang kaniyang plays gamit ang karrie sa Game 3 kung saan pinostehan niya ng malinis na 8/2/9 KDA ang Indonesians para hiranging MVP ng laro.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa pagkapanalo ng RSG PH, maipagpapatuloy nila ang dominasyon ng Pilipinas sa international eksena ng Mobile Legends ngayong 2022 simula ng iuwi ng Bren Esports ang kampeonato ng M2 World Championship.

Sundan ang pinakahuling balita sa MLBB sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Z4pnu sa Indonesian MLBB fans: ‘I love you all!’