Isa sa pinakahina-highlight na personalidad si Smart Omega sixth man Billy “Z4pnu” Alfonso sa Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) 2022.

Nga lamang, hindi ito dahil sa kanyang performance sapagkat ‘di naman siya nakapaglaro sa torneo. Bagkus ito ay dahil sa ilang matatapang at maaanghang niyang pahayag.

Tila may ugali ang batikang Pinoy pro na maglahad ng kanyang mga opinyon na nakakapukaw ng atensyon, simula pa noong 31st SEA Games hanggang sa MSC 2022.

Nagsimula ang lahat nang sinabi niya na kayang talunin ng kasalukuyang Pinoy pub players ang mga Indonesian pro. Sinundan niya pa ito ng komento na mas malakas umano ang Smart Omega kaysa RRQ Hoshi na kampeon ng MPL Indonesia.

Credit: ONE Esports

Pagkatapos tablahin ng Omega ang RRQ sa MSC 2022 Group Stage Day 2, sinabi ni Z4pnu na “parang normal na showmatch lang” ang naganap na laban at makailang-beses din siyang nag-post sa Instagram na maaaring makasakit sa ilang sensitive fans.

Bagamat nagbigay na ng mga paglilinaw si Z4pnu, mukhang hindi pa rin kuntento ang nakararaming Indonesian MLBB fans at nananatili siyang public enemy nila.


Walang intensyon si Z4pnu na asarin ang Indonesian fans at sirain ang MLBB pro scene

Z4pnu
Credit: Z4pnu

Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makapanayam si Z4pnu matapos ang 3-2 win ng Smart Omega kontra Orange Esports ng Malaysia. Sinabi niya na wala siyang intensyon na pag-awayin ang fans ng mga koponan mula sa iba’t-ibang bansa.

“Una sa lahat, mahal ko ang Malaysian at Indonesian netizens at lahat ng MLBB fans sa Asia. Gusto ko lang naman i-hype ang mga laro sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia tulad na lang ng Smart Omega at RRQ Hoshi,” paliwanag ng beteranong manlalaro.

“Ginagawa ko lang ‘yon para i-hype ang laro ng ML at hindi ko intensyon na idamay ang mga bagay na nasa labas ng laro,” dagdag pa niya.

Ito rin ang mensahe ni Z4pnu nang interbyuhin siya ni dating EVOS Legends star at M1 world champion Yurino “Donkey” Putra Angkawidjaja sa gitna ng Indonesian broadcast ng MSC.

Sa huli, hindi na sana magalit at magsabi ng kung anu-anong masasamang salita ang Indonesian fans sa kilalang Pinoy MLBB personality dahil normal lang naman ang pangsa-psycho sa esports at kahit sa traditional sports.


Hango ito sa istorya ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.