Nagbigay ng malaman na mensahe si Todak jungler Idreen “Momo” Bin Abdul Jamalis para kay Smart Omega sixth man Billy “Z4pnu” Alfonso pagkatapos palubugin ng Malaysian champions ang defending kings ng Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) sa lower bracket ng MSC 2022.

Nais iparating ni Momo ang kanyang payo patungkol sa mga sinabi ni Z4pnu na tila pwedeng makaapekto sa integridad ng international MLBB competitive scene, lalo na sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

Kamakailan lang ay nabanggit ni Z4pnu na “parang normal lang na showmatch” ang naging bakbakan ng Omega at MPL Indonesia titlist na RRQ Hoshi sa Group Stage Day 2 dahil nga hindi na nito naapektuhan ang resulta ng kung sino ang papasok sa playoffs mula sa kanilang grupo.

Credit: Z4pnu

May hype din umano sa pagitan ng dalawang koponan na nagsimula pa noong 31st Southeast Asian Games. Pinabulaanan kasi ng sikat na Pinoy MLBB personality ang 10% prediction ni Setsuna “Akosi Dogie” Ignacio gayong tinatalo lang nila sa scrims ang mga koponan sa Indonesia.

Paglilinaw ni Z4pnu, hindi niya ito sinabi para maliitin ang Indonesian teams bagkus ay kontrahin si Dogie, ngunit hindi pa rin ikinatuwa ng Indonesian MLBB fans ang kanyang pahayag.


Ang mensahe ni Momo para kay Z4pnu

Credit: ONE Esports ID

Sa isang panayam kasama ang ONE Esports matapos ang kanilang 2-1 victory laban sa Smart Omega sa MSC 2022 upper bracket first round, inamin ni Momo na bagamat hindi siya direktang apektado ay hindi siya mapalagay sa naturang isyu.

Hiling niya na magkaroon ng mas magandang “atmosphere” sa MLBB competitive scene at hindi na humantong pa ang nangyayari sa mas malalang sitwasyon.

“The message for Z4pnu is to talk less like that and make the atmosphere more positive (Ang mensahe ko para kay Z4pnu ay bawasan niya ang pagsasalita ng ganun at gawin na lang mas positibo ang atmosphere),” wika ng Malaysian pro.

Credit: MSC 2022

Kung tutuusin, ang ginawa ni Z4pnu ay maaaring tignan bilang pangsa-“psycho” lang para ma-impluwensiyahan ang mentalidad at laro ng kalaban. Pero may punto rin naman si Momo dahil sila ay itinuturing na bilang mga “professional” players.

Samantala, makakalaban nila Momo at Todak ang RRQ Hoshi sa upper bracket semifinals habang makakatapat naman ng Omega ang EVOS SG sa lower bracket round 1.

Manatiling nakatutok sa mga kaganapan sa MSC 2022 sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Base ito sa akda ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.