Nasungkit ng SIBOL Mobile Legends: Bang Bang team ang 3-1 panalo kontra sa 2022 IESF champion na Indonesia sa grand final ng 2023 International Esports Federation 15th World Esports Championship.

Ang Pinoy representatives, na pawang mga manlalaro ng AP Bren, ay nakatanggap ng isang talo lamang sa buong torneo, na nangyari sa grand final match.

Ang tagumpay na ito ay nangyari matapos ang masungkit ng SIBOL ang gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games noong Mayo, kung saan nagwagi sila sa laban din sa Indonesia.



Powerhouse squad na SIBOL dinomina ang Indonesia sa IESF 2023 grand finals

MLBB SIBOL
Credit: AP Bren

Tumagal nang 29 minuto ang unang laro, isa sa pinakamatagal na laban sa kompetisyon. Patas ang dalawang teams, at hindi klaro kung sino ang may kalamangan pagdating sa gold o objectives.

Ngunit ang isang mahusay na Rough Waves ultimate na ginawa ni Marcel “Moreno” Sinulingga gamit si Kadita malapit sa Lord pit ay nakahuli ng dalawang SIBOL players para maiba ang momentum ng bakbakan. 

Matapos ang pagtumba ng dalawang SIBOL members, ginamit ito ng Indonesia sa kanilang pabor para mag-push sa midlane patungo sa base para masiguro ang unang laro.

Pero mabilis na gumanti ang SIBOL at inilista ang panalo sa Game 2 at Game 3.



Pinangunahan ni Kyle Angelo “PHI. Sayson” Sayson ang opensib sa pangalawang laro gamit ang Fredrinn para makuha ang MVP dahil sa kaniyang halos perpektong 6/1/8 KDA.

Sa pangatlong laro, ginamit ni Marco “PHI. Requitiano” Requitiano si Brody upang pangunahan ang 23-5 kill score. Tinapos niya ang laban hawak ang solidong 11/1/5 KDA.

Sa huling laro, nagpasya ang Indonesia na kumuha ng sustain-heavy heroes tulad nina Baxia, Novaria, at X.Borg. Sinagot ito ng SIBOL gamit sina Valir at Pharsa, na nagbigay sa kanila ng abilidad na kumalas sa mga clash.

Nagsimulang umarangkada ang Pinoy squad sa early patungong mid-game para makakuha ng 5-0 kill score.



Ginamit nila ang kalamangan na ito para maselyo ang Lord sa 12-minute mark. Nag-push sila kasabay ng Lord sa mid lane para tuldukan ang kampeonato.

Dahil sa panalong ito, mag-uuwi sila ng tumataginting na US$50,000 o mahigit PHP2.8 milyon mula sa US$100,000 (higit PHP56 milyon) na prize pool.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Pagsibat ni Dlar mula EVOS Legends, personal daw na desisyon ng pro?