Matapos maaprubahan ang Mobile Legends: Bang Bang sa China, talagang hindi nag-aksaya pa ng oras ang isang organisasyon.

Bubuo ang Nova Esports ng kanilang Mobile Legends team at naghahanap sila ng mga aspiring pro players, inanunsyo ng organisasyon sa Twitter.

Ito ay malaking tagumpay para sa kanila — ang Nova Esports ang kauna-unahang Chinese team na nagpahayag ng kanilang kagustuhan na bumuo ng koponan sa MLBB.



Nova Esports inilahad ang kanilang requirements para sa mga gustong sumali sa kanilang MLBB squad 

MLBB Nova Esports
Credit: Nova Esports

Sa kanilang Twitter post, naglapag ang team ng kanilang klarong criteria para sa mga interesadong sumali sa kanilang squad.  

Kailangang mahigit 18 years old ang mga interesadong players, at dapat din ay nakamit na nila ang Mythical Immortal rank sa MLBB o Legendary rank sa Arena of Valor.  

Dagdag pa riyan, kailangan ay marunong mag-Chinese ang mga kandidato at walang kontrata sa kahit ano mang team.  

Nakabuo na ng presensya ang Chinese-based organisasyon na ito sa mobile esports, matapos manalo sa mga mobile titles tulad ng PUBG: Mobile, Call of Duty: Mobile, at Arena of Valor.  

MLBB China MPL announcement
Credit: @subzidite2 sa Twitter

Unang lumabas ang MLBB sa bansa noong 2016, at ngayong taon lamang inaprubahan ng The National Press and Publication Administration (NPPA) ang kaniyang release sa China.  

Nasa pre-registration phase ang laro, at hindi pa inaanunsyo ang opisyal na release date.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.  

BASAHIN: Tabi! Nandito na si Star Enforcer Alpha sa Land of Dawn