Ibinunyag ng Moonton Games ang Starlight skin sa Mobile Legends: Bang Bang para sa buwan ng Setyembre, ang Star Enforcer Alpha.

Ito ang pang-anim na skin release para sa fighter hero, at ito rin ang kaniyang kauna-unahang Starlight skin.

Pinaghalong kasaysayan at science fiction ang disenyo ng skin na ito, para gayahin ang isang futuristic guard attire.



Star Enforcer Alpha character model at skills preview 

MLBB Star Enforcer Alpha
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa skin na ito, may suot na eleganteng gray at putting coat si Alpha na mukhang tradisyonal na European formal wear.

Pinaganda lalo ito ng kumikinang na silver vambrace sa mga kamay, na may pauldron na may spike sa tuktok.

Isang umiilaw na helmet ng kumumpleto ng look, para itago ang kaniyang mga mata sa ilalim ng puting plume.

MLBB Star Enforcer Alpha
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Lahat ng abilities niya ay mayroon ng gray glitches sa tuwing ginagamit ang mga ito.

Dagdag pa sa kaniyang mga ibang Starlight rewards, maghahatid din ang skin ng alternatibong painted appreance na kasing-ganda rin ng default design.

Nilabas ang Star Enforcer Alpha noong unang araw ng Setyembre sa Starlight tab.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Gawin ang 3 advanced Alpha combos na ‘to para maging Terminator ng Mobile Legends