Sa tuwing mage ang hero mo sa Mobile Legends: Bang Bang, mapapapili ka kung ang bubuuin mo ba ay ang Divine Glaive o Genius Wand.

Malaki ang halaga ng mga items na ito sa mga heroes na nagdudulot ng magic damage, lalo na kung may nakaharap kang tanky hero na kalaban na may magic resistance items.  

Maliban sa pag-counter ng magic resistance, nagbibigay rin ang mga ito ng mas matinding magic damage output, isang krusyal na bagay pagdating na sa mid hanggang late phase ng laro.  

Ngunit minsan ay mapapaisip ka kung ano nga ba ang pinagkaiba ng mga items na ito at kung magandang ideya bang gamitin ito nang sabay.  


Kailan mo dapat bilhin ang Divine Glaive at Magic Wand sa Mobile Legends: Bang Bang

MLBB Cosmic Voyage Eudora
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Nagbibigay ang Divine Glaive ng isang flat boost sa magic power at magic penetration, at may kasama na rin itong magic penetration bonus base sa magic defense ng kalaban.

Sa kabilang palad naman, ang Genius Wand ay nagbibigay ng magic power, movement speed, at magic penetration. Ang kakaibang passive ability nito ay paunti-onting nakakabawas sa magic defense ng kalaban sa bawat atake.

IBA PANG MLBB GUIDES
Sakto ang Great Dragon Spear para sa 3 heroes na ‘to (bukod kay Zilong)
Gawin ang 3 advanced Alpha combos na ‘to para maging Terminator
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Pambihira ang kaya mong gawin gamit ang 3 advanced Yu Zhong combos na ito
Ang 4 na roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito

Pagdating sa pagkakaiba nila, nagsisilbi ang Divine Glaive bilang isang personal buff, para maging mas epektibo laban sa kalaban na may mataas na magic defense.

MLBB Lunar Magic Change
Credit: Moonton Games

Ang Genius Wand naman ay nagsisilbing debuff, at binababa nito ang magic defense ng kalaban sa bawat atake. Mainam din ito para sa ibang mage heroes sa team mo, para makapagdulot sila ng mas matinding damage sa kanilang target dahil sa mas mababang magic defense.  

Mas mainam gamitin ang Genius Wand sa early hanggang mid game kapag hindi pa nakabuo ng magic defense items ang kalaban. Mayroong mas malaking benepisyo ito sa mga heroes tulad nina Chang’e, Gord, at Silvanna, na nagdudulot ng sunod-sunod na damage dahil mabilis ang kanilang pag-stack ng kanilang passive.  

Mobile Legends: Bang Bang Archmagister Valentina skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Kapag nakabuo na ang kalaban ng mga items tulad ng Radiant Armor o Rose Gold Meteor para mapataas ang kanilang magic defense, mabuti nang gumamit ng Divine Glaive, dahil maganda ito gamitin sa pag-penetrate ng magic defense dahil sa kaniyang kakaibang passive.  

Habang posibleng gamitin ang dalawang ito nang sabay, mas nire-rekomenda naming umpisahan ang laro ng may Genius Wand para sa isang early-game power spike.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa MLBB.  

BASAHIN: Tabi! Nandito na si Star Enforcer Alpha sa Land of Dawn