Maaari ka nang makabili ng tickets para sa kauna-unahang offline edition ng ONE Esports MPL Invitational (MPLI) 2023. Gaganapin ang torneo sa Jakarta, Indonesia mula ika-15 hanggang ika-19 ng Nobyembre, 2023.

Sa ika-15 at ika-16 ng Nobyembre, magsasalpukang ang 16 invited teams mula sa walong bansa sa Group Stage para siguruhin ang kanilang puwesto sa Playoffs. Mapapanood ng fans ang lahat ng Group Stage games online sa streaming channels ng ONE Esports at MOONTON Games.

Ang mga aabanteng koponan ay magtatagpo sa GBK Basketball Hall sa Jakarta para sa Playoffs at Grand Final na nakatakda mula ika-17 hanggang ika-19 ng Nobyembre, kung saan paglalabanan sa harap ng live audience ang US$100,000 o humigit-kumulang PHP5.6 milyong prize pool.

Kugn nais mong makibahagi sa makasaysayang torneo at manood nang live, available na sa dalawang phase ang tickets para sa Playoffs at Grand Final, na maaari mong mabili dito.



Mga detalye patungkol sa tickets para sa ONE Esports MPLI 2023

Ang mga bibili ng tickets sa Early Bird phase ay makakakuha ng 20% discount.

  • Early Bird: September 14 to October 15, 2023
  • Standard: October 16 to November 19, 2023

May tatlong pagpipiliian na ticket — Mythic, Legend, at Epic — at available ang mga ito sa first-come, first-served basis. Lahat ng ticket options ay may free seating sa mga nakatakdang lugar.

Nakapaloob sa Mythic tickets ang 3-day pass na saklaw ang Playoffs at Grand Final, kasama ang iba’t-ibang eksklusibong perks at merch:

  • On-stage photo opportunities sa mga piling oras
  • Limited-edition MPLI T-shirt
  • MPLI tote bag
  • MPLI cap

Ang Legend at Epic tickets naman ay magkakaloob ng single-day attendance. Ang mga kukuha ng tickets sa Legend category ay may prime seating sa Festival Area, na magbibigay ng mas malapit na view sa main stage.

Seating plan para sa ONE Esports MPLI 2023 Playoffs
Credit: ONE Esports

Ticketing information

Ticket CategoryEarly Bird price (IDR/PHP)Standard price (IDR/PHP)
Mythic: 3-Day PassIDR 320,000/≈PHP1,181.52IDR 400,000/≈PHP1,476.90
Legend: Daily Pass – Playoffs Day 1IDR 56,000/≈PHP206.77IDR 70,000/≈PHP258.46
Legend: Daily Pass – Playoffs Day 2IDR 56,000/≈PHP206.77IDR 70,000/≈PHP258.46
Legend: Daily Pass – Grand Final Day 3IDR 56,000/≈PHP206.77IDR 70,000/≈PHP258.46
Epic: Daily Pass – Playoffs Day 1IDR 40,000/≈PHP147.69IDR 50,000/≈PHP184.61
Epic: Daily Pass – Playoffs Day 2IDR 40,000/≈PHP147.69IDR 50,000/≈PHP184.61
Epic: Daily Pass – Grand Final Day 3IDR 40,000/≈PHP147.69IDR 50,000/≈PHP184.61

Bumili na ng ONE Esports MPLI 2023 Playoffs at Grand Final tickets.

Maglalabas pa ng mas marami pang detalye ang ONE Esports patungkol sa torneo sa mga susunod na araw. Upang maging updated sa lahat ng impormasyon tungkol sa MPLI 2023, siguruhing i-bookmark ang event website.

Para sa iba pang balita at guides sa Mobile Legends: Bang Bang, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Madalas ka ba maglaro ng Mobile Legends? Baka minsan ka nang tinalo ng 74-anyos na si Lola Gaming