Ang pag-review sa iyong match history sa Mobile Legends: Bang Bang ay nakakapagbibigay ng mahahalagang insight sa iyong in-game performance sa iyong huling sampu o higit pang laro.

Nagpapakita ang history tab ng komprehensibong overview, kabilang ang KDA ratio at item build ng lahat ng mga manlalaro sa isang laro.

Bagamat ang ibang players ay proud sa kanilang mga win streak at MVP medal, ang iba ay mas nais na isapribado ang mga impormasyon na ito.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ano ang Trinity Build sa MLBB at bakit sikat ito sa mga marksman
Ganito raw karaming laro bago mo ma-master ang Ling, sabi ni Alberttt
Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends
3 best heroes na pwedeng gamitan ng Basic Common Emblem
Alamin ang kahalagahan ng 3 potions at kung sulit bang bumili nito

Ganito itago ang iyong match history sa MLBB profile mo

Halimbawa ng disabled match history sa Mobile Legends: Bang Bang
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Mabuti na lang, may paraan para maitago ang iyong match history upang hindi ito ma-access ng mga ibang manlalaro.

Para ma-turn off ang feature na ito, magpunta sa settings, sabay piliin ang privacy. Pagkatapos, mag-scroll pababa hanggang sa makita mo ang “Show History”.

Privacy - Show History settings sa Mobile Legends
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

May tatlong pagpipilian para dito. Pwede mong ipakita ang iyong history sa lahat, sa mga in-game friends mo lang, o ‘di kaya’y gawin itong private, na ikaw lang ang makakakita.

Tandaan na hindi mo ito matu-turn off kapag ikaw ay nasa global ranked leaderboard. Ito ay para mapanatili ang pagiging patas, at maiwasan ang match-fixing sa matataas na ranks.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 dahilan kung bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank sa Mobile Legends