In-update nitong Setyembre 15, 12 p.m. (GMT+8): Nagdagdag ng kaugnay na guides.

Sa ranked o classic mode man ng Mobile Legends: Bang Bang, may mga pagkakataon na sobrang tumatagal ang ating mga laro at umaabot sa punto na automatc tayong binibigyan ng option na bumili ng Potion kapag mayroong sapat na gold para dito.

May tatlong potions sa Mobile Legends na maaring bilhin at ito ay ang Power Potion, Magic Potion at Rock Potion.

Bagamat maaari itong kuhain nang maaga, mas maigi pa rin na bilhin ang mga ito sa late game kung saan lock item o kumpleto na ang anim na slots sa inyong inventory dahil may kamahalan ang mga potion sa presyong 1500 gold.

Consumable ang mga ito at dinadagdagan ang stats ng isang hero sa loob ng 120 segundo depende sa klase.

IBA PANG MLBB GUIDES
Sakto ang Great Dragon Spear para sa 3 heroes na ‘to (bukod kay Zilong)
Mga item na dapat mong bilhin para kay Novaria sa Mobile Legends
Ang 3 pinakamalakas na hero counters kay Helcurt sa Mobile Legends
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes

Ang iba’t-ibang potions sa Mobile Legends

Credit: Heroisgod YouTube

Power Potion (Red)

Ang kulay pulang Power Potion ay nagbibigay ng physical attack at lifesteal effect sa loob ng 120 segundo.

Automatic na lumalabas ito para sa mga hero na may physical type na damage gaya ng karamihan sa Assassin (Lancelot, Hayabusa, Ling), Marksman (Beatrix, Brody, Clint) at Fighter (Paquito, Yin, Balmond).

Magic Potion (Blue)

Ang kulay asul na Magic Potion ay nagkakaloob ng karagdagang magic power at cooldown reduction sa loob ng 120 segundo.

Kadalasan itong ino-offer sa mga Mage heroes tulad ni Lunox, Cecilion at Pharsa maging sa mga magic type na Assassin (Karina, Gusion) at Fighter (Silvanna, Guinevere).

Rock Potion (Yellow)

Ang kulay dilaw na Rock Potion naman ay nagbibigay ng karagdagang max HP at resilience sa loob ng 120 segundo. Sa MLBB, tumutukoy ang resilience sa pagbawas ng tagal ng crowd control effects sa isang hero maliban sa airborne, disarm, knock back o pull, root, at suppress.

Kaya naman swak na swak ito sa mga Tank (Khufra, Tigreal, Ruby) maging sa Support heroes (Mathilda, Estes, Diggie).


Sulit bang bumili ng potion sa Mobile Legends?

Credit: Moonton

Kung susuriin ang effects ng tatlong Potion sa Mobile Legends, nakadepende sa sitwasyon ng game kung sulit bang bumili nito o hindi.

Kung sigurado ka na nakuha mo na ang lahat ng items na kailangan mo, magandang bumili ng Potion para pansamantalang madagdagan ang iyong stats.

Gayunpaman, may mga item sa Mobile Legends na naa-activate tulad ng Winter Truncheon at Wind of Nature, at automatic na naa-activate gaya ng Immortality. Bagamat may cooldown ang mga ito, sobrang mahalaga ang mga item na ito pagkuha ng panalo.

Marami nang manlalaro sa competitive scene maging sa ranked/classic games ang mabilis na bumibili ng Winter Truncheon kapag nagamit na ang Immortality. Nililigtas sila ng mechanic na ‘to mula sa pagkamatay sa late game kung saan siguradong napakahaba ng respawn time.

Ngunit magagawa lang ito kung mayroon kang extra gold at hindi mo ito magagawa kung lagi mong pinapambili iyon ng Potion. Mas mahalaga ang mechanic na ‘to sa late game kaysa sa stats na naibibigay ng isang potion.

Kaya naman ang payo namin ay huwag basta-basta bumili ng Potion items. Kung may isang malaking team fight na paparating at sa tingin mo ay makakatulong ang dagdag na stats mula sa Potion upang makamit ang tagumpay, saka ka lang bumili nito.

Para iba pang MLBB guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ano ang Trinity Build sa MLBB at bakit sikat ito sa mga marksman