Ang pag-land ng isang maayos na Flicker ultimate combo ay hindi lamang isa sa pinakanakaka-excite na mga bagay na maaari mong gawin sa Mobile Legends: Bang Bang, ngunit ito rin ay isa sa pinaka-mabisang mga tool para baguhin ang resulta ng laban ayon sa iyong kagustuhan.

Ang mga skills na madaling makita ng kalaban ay maaaring gawing nakakagulat dahil sa teleportation spell, na nagpapahintulot sa iyong hero na gumalaw papunta sa direksyon ng iyong layunin nang agaran.

Bagaman maraming mga skills ng mga hero ang maaaring gumana nang maayos gamit ang spell na ito, may mga piling mga abilities na may dalang pasabog kapag ito’y ginamit kasama ang Flicker.

Narito ang limang mga pangwasak na Flicker ultimate combos na maaari mong gawin sa Land of Dawn.


Pinakamalulupit na Flicker Ultimate Combos sa Mobile Legends

Chou — The Way of Dragon

Chou's Way of Dragon Flicker Ultimate combo is one of the best in the game
Credit: Moonton

Ang The Way of Dragon ni Chou ay isa sa mga pinaka-epektibong ultimate kapag ito ay sinamahan ng Flicker battle spell.

Ang special ability ng Kung Fu Boy ay nagpapahintulot sa kanya na patalsikin ang isang kalaban papunta sa malayo. Sa pamamagitan ng paggamit ng Flicker, maaaring gulatin ni Chou ang mga kalaban sa pamamagitan ng mabilis na paglapit at pagbira sa mga pangunahing target patungo sa kanyang koponan para sa madaliang pagpatay.

Ang Flicker ultimate combo na ito ay nangangailangan ng eksaktong tiyempo upang tiyakin na matatamaan ang kalaban. Kapag ginagamit si Chou, gamitin ang iyong Jeet-Kune-Do at Shunpo abilities para lumapit sa iyong target at paangatin ito sa ere bago paganahin ang iyong ultimate.

Agaran lamang na pindutin ang Flicker patungo sa direksyon na iyong nais, at tunghayan ang isang nakakabilib na combo.


Ruby — I’m Offended!

Credit: Moonton

Si Ruby ay may natatanging set ng mga skills na nagpapahintulot sa kanya na kontrolin ang mga kalaban at magbigay ng mabigat na damage. Ang kanyang ultimate skill na “I’m Offended” ay humihila ng mga kalaban patungo sa kanya at nagdudulot ng damage, at ang paggamit ng Flicker ay nagpapahaba ng kanyang reach at hinihila sila nang mas malayo.

Kapag ito ay nagawa nang tama, ang sequence na ito ay parehong delikado at nakakabilib.

Siyempre, tulad ng iba pang Flicker ultimate combos, kakailanganin nito ng magandang timing. Upang mapatama ito, gamitin ang mga bushes upang lumapit sa iyong mga target at magdagdag ng element of surprise. Pinakamabuti itong gamitin kapag ang kalabang koponan ay nagtitipon sa isang lugar para maaari mong mahila ang maraming target nang sabay-sabay.

I-cast ang I’m Offended! patungo sa mga kalaban, at habang lumalabas ang animation ng hook, agad na pindutin ang Flicker upang hilaan sila pabalik sa isang lugar kung saan nakahandang sumalakay ang mga kasama mong damage dealers.

IBA PANG MLBB GUIDES
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Kahalagahan ng 3 potions at kung sulit bang bumili nito

Lolita — Noumenon Blast

Credit: Moonton

Ang malawak na saklaw ng ultimate ni Lolita na Noumenon Blast ay nagpapahintulot sa kanya na kontrolin ang malalaking bahagi ng laban, kung kaya’t nababagay na gamitin ang skill na ito sa mga team fights at sa pag-secure ng objectives. Gayunpaman, ang ilang segundong delay kapag ginagamit ang skill ay nagbibigay oras sa mga kalaban na tumakas o pigilan ito.

Ito ang pagkakataon kung saan ang Flicker battle spell ay maaaring magamit, nagpapahintulot sa kanya na makalapit kahit pa subukan ng kalabang tumakas. Kapag napatama mo ang skill na ito sa ganitong paraan ay siguradong maiiwang wasak sa paghanga ang iyong mga kalaban.

Upang gawin ito, simulan ang pag-charge ng ultimate skill ni Lolita. Tandaan na mas matagal itong mag-charge ay mas mataas din ang damage na iyong ilalabas, at mas matagal mong ding mai-stun ang iyong mga target.

Bago ito lubusan mag-charge, gamitin ang Flicker upang i-teleport ang sarili papunta sa mga kalaban. Siguruhing ilapat ito sa direksyon kung saan naroroon ang mga target, at pagkatapos, agad na pakawalan ang ultimate. Ang Flicker ultimate action na ito ay magdudulot ng stun at damage sa lahat nang kalaban sa loob ng blast radius.


Grock — Wild Charge

Credit: Moonton

Ang ultimate skill ni Grock na Wild Charge ay nagbibigay daan sa kanya na sumugod nang pasulong, nagdudulot ng mabigat na damage at knockback sa mga kalaban. Ito ay magandang crowd control at damage skill na nagpapahintulot sa kanya na maging epektibo sa multiple roles.

Gayunpaman, madali itong mabasa dahil aasahan ito ng mga kalaban kapag malapit ka sa mga pader o tore dahil magiging mas malakas ang epekto ng skill. Ito ang pinakamabisang pagkakataon kung kailan kelangang gamitin ang Flicker ultimate combo.

Sa pamamagitan ng mabilis na pag-teleport sa lugar kung saan naroroon ang iyong mga target at pag-activate ng Wild Charge, walang pagkakataon ang iyong mga target na umiwas mula sa damage o pagtalsik sa ere, na nagbubukas ng oportunidad para sa iyong mga kasama na sumalakay sa kanila.

Madali lamang gawin ang Flicker ultimate sequence na ito. Gamitin ang battle spell sa lugar kung saan ang naroroon ang kalabang koponan, pinakamabuting malapit sa pader o tore. Pagkatapos ay gamitin ang iyong ultimate para tamaan ang iyong mga target papunta sa isang pader o tore para sa karagdagang stun effect.


Terizla — Penalty Zone

Credit: Moonton

Ang ultimate ni Terizla na ang Penalty Zone ay isang malupit na ability kung saan tumatalon siya patungo sa target area upang humataw ng mga target at magdulot ng malupit na physical damage at slow effect.

Ngunit kung ikaw ay naglaro na ng Fighter noon o nakalaban ito, alam mo na ang skill na ito ay madaling ma-anticipate dahil sa napakababang mobility ng hero, bukod pa rito ang napakaikling range ng ultimate.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang Flicker battle spell ay maaaring magbukas ng pintuan ng oportunidad para kay Terizla dahil ito ay nagbibigay daan sa kanya na makalapit ng mas mabilis at dagdagan ang kanyang range.

Upang magawa ang kanyang Flicker ultimate combo, paganahin ang iyong ultimate sa direksyon kung saan naroroon ang iyong mga target, pagkatapos ay agad na pindutin ang battle spell upang mag-teleport patungo sa kanila. Kapag nagawa nang tama, isang malaking pasabog na set up ang magagawa mo para sa matagumpay na laban ng iyong koponan.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to