May bagong kakampi na ang mga assassin hero na sina Gusion at Fanny sa kanilang ranggo.

Isang bagong assassin hero sa Mobile Legends: Bang Bang na si Nolan ang sasali sa digmaan sa Land of Dawn ngayong buwan, ibinahagi ng Moonton games sa YouTube.

Ang mga kakaibang abilities niya ay naka-pokus sa pag-conjure ng rifts sa digmaan.

Ang kakaiba sa kaniyang abilities ay ang kakayahan niya gumawa ng dalawang rifts nang sabay sa isang pwesto, para magdulot ng matinding damage sa mga matitinding team fights.

Para maging mahusay na Nolan user, kailangan mong maintindihan ang kaniyang mga combo moves.



Isang preview ng mga skills ni Nolan sa Mobile Legends

MLBB Nolan overview
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Passive – Dimensional Rift

MLBB Nolan Dimensional Rift
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa tuwing ginagamit niya ang kaniyang skills, makakadulot ito ng isang unstable rift na makakabagal sa kalaban. Kapag dalawa o higit na rifts ang magtatagpo, ito ay mag-a-activate at magdudulot ng physical damage. Ang pagtira ng enemy heroes o creeps gamit ang explosions na ito ay magbabalik ng energy.

May additional effect ang kaniyang passive na ang tawag ay Cosmic Leap. Nagdudulot ito ng damage at mobility kapag hindi pa siya natira o na-damage ng mga non-Minion o creep sources.

Ang kaniyang susunod na basic attack ay ang pag-dash sa target at pagdulot ng additional na physical damage habang nagiiwan ng rift.

Skill 1 – Expansion

MLBB Nolan Expansion
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Hinihiwa ni Nolan ang isang target area para magdulot ng physical damage at magiwan ng rift sa unang kalaban na natira o sa huling parte ng skill indicator.

Skill 2 – Gauge

MLBB Nolan Gauge
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Si Nolan ay tatakbo sa isang target direction para magdulot ng physical damage sa kalaban na nasa kaniyang landas at magiiwan din ito ng rift.

Ultimate – Fracture

MLBB Nolan Fracture
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Kapag ginagamit niya ang kaniyang ultimate, matatanggal ang lahat ng debuffs sa kaniya at hihiwain ang target location nang tatlong beses para magdulot ng physical damage sa bawatt hiwa habang nagiiwan ng tatlong rifts.

Mag-a-activate ang mga rifts na ito at sasabog agad habang tumatakbo si Nolan pabalik.



Lalabas ang Cosmic Wayfinder as September 30.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita at guides tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends