Sa kaniyang malakas na baril at malupet na mobility, mahirap talunin ang Mobile Legends: Bang Bang marksman hero na si Granger.

May kakayahan siyang bumaril ng anim na bullets dahil sa kaniyang Rhapsody, at maari rin siyang mag-dash sa kahit anong direksyon habang bumabaril salamat sa Rondo, para makasigurado ng damage output.

Nagpapakawala siya ng tatlong cannon shots gamit ang kaniyang ultimate na Death Sonata, par mapatumba ang mga kalaban nang malayuan.

Ngunit squishy ang Death Chanter, at umaasa ito sa Rondo para makapag-engage at disengage sa gitna ng digmaan. Bulnerable rin siya sa mga heroes na may burst damage o crowd control na abilities.


3 heroes na mabisang gamitin laban kay Granger sa Mobile Legends 

Khufra

Khufra Volcanic Overlord skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton Games

Isang sakit sa ulo si Khufra para sa mga heroes na umaasa sa kanilang dash o blink skill tulad ni Granger, dahil hinaharangan ng Bouncing Ball niya ang mga abilities na ito.

Gamitin ang Tyrant’s Revenge, at hampasin si Granger sa isang pader para ma-stun. Mag-cast ng Bouncing Ball at daganan siya para hindi siya makapag-dash.

Kung sakaling tanggalin ni Granger ang iyong control effects gamit ang Purify, mainam na mag-disengage at hintayin maging available ulit ang Tyrant’s Revenge.

Makipagugnayan sa iyong mga kakampi sa tuwing makikipag-initiate ka kay Granger dahil walang damage si Khufra para makapag-solo kill sa kaniya habang may full HP siya.

Bumili ng mga physical defense items tulad ng Antique Cuirass at Dominance Ice para mabawasan ang kaniyang damage.

IBA PANG MLBB GUIDES
Paano itago ang match history sa Mobile Legends
Ano ang Smart Targeting at paano ito gamitin
3 dahilan kung bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
3 pinakamalakas na pangontra kay Dyrroth
Paano i-customize ang iyong profile page sa Mobile Legends

Minsitthar

Credit: Moonton Games

Si Minsitthar ay isa pang hero na nakakapagpigil sa mga movement skills ng kalaban, salamat sa kaniyang ultimate na King’s Calling.

Simulan ang pag-atake sa pamamagitan ng paghila sa kaniya gamit ang Spear of Glory. Mag-cast agad ng King’s Calling para mapigilan siyang gumamit ng Rondo.

Sundan ito ng Shield Assault para mapabagal siya at mabawasan ang damage na madudulot sa’yo. Habang nasa Phalanx state, atakehin siya sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-tap sa Basic Attack button para ma-trigger ang stun effect ng Mark of the King.

Maari mo ring buksan ang iyong combo gamit ang King’s Calling, at gulatin siya sa combination ng Flicker at King’s Calling.

Bumili ng mga attack speed items tulad ng Corrosion Scythe, Demon Hunter Sword, at Golden Staff, para ma-activate nang mas mabilisan ang Mark of the King.


Gusion

Credit: Moonton Games

Kung nais mo nang mabilisang elimination, ang nakakamatay na combo ni Gusio ang sagot.

Gawin ang iyong Shadowblade Slaughter-Sword Spike combo para magdulot ng matinding damage, at ulitin ito sa pag-cast ng Incandescence para tuluyan siyang mapatumba.

Para sa mas madaling combo, mag-initiate gamit ang Shadowblade Slaughter, at I-refresh ito gamit ang Incandescence, mag-tapon ng Shadowblade Slaughter ulit, at tirahin mo siya ng Sword Spike.

Kung sinubukan niyang tumakas gamit ang Rondo, maari mo pa siyang habulin gamit ang Sword Spike.

Importanteng alalahanin na ang mga combos ni Gusion ay maaring mahirap gawin. Ngunit sa patuloy na pag-ensayo, magiging pamilyar ka din sa mga ito.

Kung hindi pa available si Gusion sa iyong hero pool, piliin si Hayabusa o Helcurt. Kung magaling ka rin kay Fanny, isa rin siyang malakas na alternatibo.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Kailangan mo ng fast fingers para gamitin si Nolan sa MLBB