Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang online multiplayer game kung saan importante ang internet connection para magamit ang lahat ng features ng laro.

Ngunit, para sa mga oras na wala kang internet connection, naghatid na ang Moonton Games ng Offline Mode para sa’yo.

Maaari kang maglaro ng Classic matches sa mode na ito kung saan makakalaban mo ang mga computer-controlled na kontra.

Magandang oportunidad ito para mahasa mo ang iyong skills gamit ang iba’t-ibang heroes at nagbibigay din ito ng aliw sa tuwing wala kang internet connection.

IBA PANG MLBB GUIDES
Paano itago ang match history sa MLBB
Sakto ang Great Dragon Spear para sa 3 heroes na ‘to (bukod kay Zilong)
Gawin ang 3 advanced Alpha combos na ‘to para maging Terminator
4 na roaming blessings sa Mobile Legendsat best heroes para sa mga ito
Ano ang Smart Targeting at paano ito gamitin

Paano pumasok sa Offline Mode ng Mobile Legends 

MLBB Offline Mode

Madali lang ma-access ang mode na ito.  

Simulan ito sa pamamagitan ng pag-disable ng Wi-Fi at cellular data mo bago buksan ang MLBB app.

Pagbukas mo ng laro, isang notification ang lalabas na nagsaasabing wala kang internet connection. Pagkatapos ay tatanungin ka kung gusto mong pumasok sa Offline Mode.

MLBB Offline Mode options
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Kapag na-confirm mo na ang option na ito, may apat na choices kang pagpipilian. Sa menu na ito, ang maari mo lamang piliin ay ang Classic mode.

Sa mode na ito, pwede kang maglaro ng karaniwang 5v5 kasama ang mga computer-controlled na kakampi at kalaban. Naka-disable rin ang emblems sa mode na ito.

Maari kang pumili sa pagitan ng easy at normal difficulty sa settings.

Ang panalo o talo mo sa match ay hindi maitatala sa iyong match history. Walang battle points at EXP din ang mabibigay sa’yo.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Paano i-customize ang iyong profile page sa Mobile Legends