Ang isa sa pinaka-”tank” na heroes sa Mobile Legends: Bang Bang ay makakuha ng isa pang skin, at maaring ito na ang pinaka-maangas sa lahat.

Dumating na ang teaser para kay Celestial Bastion Uranus, ang pinakabagong Mobile Legends epic skin ng Aethereal Defender na ito, at malapit na ito dumating sa Land of Dawn.

Isang silip sa Celestial Bastion Uranus epic skin 
Credit: Moontoon

Sa opisyal na teaser na pinost sa YouTube, nag-transform si Celestian Bastion Uranus sa isang nakakamanghang anghel na may suot na malalaking armor plates na mayroong disenyo na ginto. 

Mayroon rin siyang higanteng pakpak sa kaniyang likod na nagmumukhang isang nakakasilaw na golden aura. Mukhang si Uranus na ang ultimate protector ng langit. Ang ganda!

Mga skills ni Celestial Bastion Uranus 

Dahil ito ay isang epic na skin, lahat ng mga skills niya ay pinabuti para magmukhang mas maangas. Mayroong mas nakakasilaw na glow ang kaniyang Radiance Shield, at dinagdagan ito ng isang golden aura na nakapalibot sa kaniya sa full stacks.

Umiikot ang kaniyang pakpak sa tuwing gagamitin niya ang kaniyang Ionic Edge, at isa pang mas masilaw na shield ang papalibot sa kaniya sa tuwing gagamitin niya ang Transcendent Ward.

Isang ilaw naman ang nakatutok sa kaniya sa tuwing siya ay mag-ca-cast ng kaniyang ultimate, ang Consecration. Magigiliw ang mga Uranus mains dahil ang skin na ito ay sulit na sulit sa pera at mahirap palagpasin ang itsura nito.

Magiging available si Celestial Bastion Uranus sa in-game store.