Si Valentina ay isa sa mga most picked mage heroes sa mga ranked at professional games ng Mobile Legends: Bang Bang.

Ang nagpapalakas sa kanya bilang isang mapanganib na kalaban ay ang kanyang ultimate na I Am You. Ito ay nagbibigay-daan sa kanya na kopyahin ang ultimate ability at basic attack ng kalaban.

Ang kanyang passive, Primal Force, ay nagbibigay sa kanya ng EXP tuwing siya ay nagbibigay ng damage sa isang hero. Ang Shadow Strike ay nagdudulot ng malalaking damage at naglalagay sa mga kalaban sa terrified state, habang ang Arcane Shade ay nagbibigay sa kanya ng kakayahan na mag-dash nang dalawang beses at bawasan ang cooldown ng Shadow Strike.

Subalit si Valentina ay maaring maging vulnerable sa mga heroes na may mga gap closer. Siya rin ay hindi masyadong mabisa laban sa mga heroes na may mga ultimate na hindi talaga kapakipakinabang sa kanya kapag kinopya.


Tatlong malalakas na counter kay Valentina sa Mobile Legends

Natalia

Natalia MLBB
Credit: Moonton Games

Si Natalia ay kayang pumatay ng mga kalaban nang madalian.

Gamitin ang conceal state mula sa Assassin Instinct at subukan na maging unpredictable sa pamamagitan ng paglipat-lipat sa mga bush. Hanapin ang tamang pagkakataon kung kailan sasalakayin si Valentina. Gamitin ang Hero Lock Mode para tiyakin na siya ang iyong tina-target.

I-silence siya gamit ang enhanced basic attack mula sa Assassin Instinct, at pagkatapos ay tapusin siya gamit ang isa pang atake mula sa The Hunt. Tumakas gamit ang Claw Dash at Smoke Bomb.

Pwede rin gamitin si Helcurt kung hindi available si Natalia.

IBA PANG MLBB GUIDES
5 pinakamatinding Flicker ultimate combos na pwedeng gawin sa Mobile Legends
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB

Gusion

Credit: Moonton Games

Si Gusion ay isa pang mahusay na assassin para kontrahin si Valentina. Katulad kay Natalia, kaya niyang biglain si Valentina gamit ang kanyang deadly combo.

I-execute ang kanyang Shadowblade Slaughter-Sword Spike combo, at ulitin ito pagkatapos gumamit ng Incandescence. Pwede rin gamitin ang mas madali na combo, Shadowblade Slaughter-Incandescence-Shadowblade Slaughter-Sword Spike.

Ang pagkopya ng Incandescence ay halos walang silbi, dahil hindi nito inirereset ang cooldown ng kanyang iba pang skills, binibigyan lamang siya nito ng blink at dash abilities.

Kagura

MLBB Rain Walk Kagura
Credit: Moonton Games

Kung gusto mong mag-mid matchup laban kay Valentina, tingnan mo na lang si Kagura. Mayroon siyang gap closer, crowd control, at burst damage sa kanyang skill set.

Bilisan ang galaw ni Valentina gamit ang Seimei Umbrella Open, at pagkatapos ay gamitin ang Yin Yang Overturn. Gamitin muli ang Seimei Umbrella Open upang ilipat ang payong malapit sa kanya. Kapag siya ay na-pull in, stun-in siya gamit ang Rasho Umbrella Flee at gamitin ang initial form ng Yin Yang Overturn.

Kapag nasa cooldown ang lahat ng iyong mga skills, magpahinga saglit at lumikha ng espasyo para sa iyong sarili gamit ang Rasho Umbrella Flee. Kung siya ay mabubuhay pa, tapusin mo siya gamit ang Flameshot. Huwag mag-alala kung kopyahin ka niya dahil maari lamang niyang gamitin ang isang form ng Yin Yang Overturn.

Ang combo ni Kagura ay maaring magkaruon ng kaunting kahirapan sa pag-gamit. Mag-praktis muna sa Hero Training o sa AI mode bago subukan ito sa classic o ranked games.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Pigilan si Nolan gamit ang 3 best counters na ‘to