Nangingibabaw si Nolan sa ibang mga hero sa Mobile Legends: Bang Bang dahil sa kanyang natatanging ability.

Bukod sa ability na lumikha ng mga portal sa battlefield para magdulot ng damage, ang kanyang ultimate, ang Fracture, ay nagbibigay-daan sa kanya na alisin ang mga crowd control effect at magdulot ng malalaking damage sa parehong pagkakataon. Dagdag pa dito, isa sa mga dahilan ng dumaraming Nolan users ay dahil madali siyang laruin.

Upang epektibong mapigilan ang Cosmic Wayfinder, mayroon kang dalawang pangunahing pagpipilian: Maaari kang pumili ng isang hero na malakas sa early game o pumili ng isang hero na may ability na mag-suppress.


Narito ang 3 hero na kayang makatapat sa assassin hero na si Nolan sa MLBB

Martis

Jungler Martis build
Credit: Moonton Games

Kapag kinakaharap mo si Nolan bilang isang jungler, ang pinakamahusay na diskarte ay pumili ng mga hero na kayang makakuha ng kills sa loob ng unang limang minuto ng laban.

Isang tamang hero na tumutugma sa criteria na ito ay si Martis.

Si Martis ay isang pambihirang herong jungler sa early game, dahil sa kanyang kakayahan na talunin si Nolan sa 1v1.

Sa simula ng laro, pumasok sa teritoryo ng kalaban at gamitin ang mga karaniwang combo tulad ng Ashura Wrath, Mortal Coil, at Decimation kapag nakikita mo ang Cosmic Wayfinder sa mapa. Malamang sa malamang ay makakatulong ito upang pumabor ang laban sa inyong panig kung sakaling magkaroon ng skirmish.

Tungkol sa itemization, mag-focus sa pagkuha ng mga purong physical items sa simula, tulad ng Hunter’s Strike o Blade of the Heptaseas.

Sa late game, habang nagsisimula nang bumuo si Nolan ng mga defensive item, isaalang-alang ang pagbuo sa mga item na may physical penetration tulad ng Malefic Roar.

IBA PANG MLBB GUIDES
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB

Franco

Credit: Moonton Games

Si Franco ay isa sa mga ilang hero sa Mobile Legends: Bang Bang na may suppression ability sa kanyang ultimate, ang Bloody Hunt.

Ang natatanging ability na ito ay malaking tulong sa kanya sa pagharap kay Nolan, na nagiging mas vulnerable sa kawalan ng access sa kanyang Fracture cleanse.

Sa early game, gamitin ang agresibong approach sa pamamagitan ng pag-harass sa Cosmic Wayfinder sa teritoryo ng kalaban. Gamitin ang Iron Hook skill para sa mga enemy buffs, na magde-delay sa rotation ni Nolan at iistorbo ng kanyang pagpapa-level.

Kapag nakaabot ka ng level four at na-unlock mo na ang iyong ultimate naBloody Hunt, gawing prayoridad ang pag-atake kay Nolan pagdating sa mga team fights. Karaniwang nagiging epektibo ito sa pagkakaroon ng matagumpay na pagpatay, lalo na kapag may kasama kang mga burst assassins at marksmen sa iyong koponan.

Khufra

Khufra Volcanic Overlord skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton Games

Si Khufra, kahit na wala siyang suppression skill tulad ni Franco, ay nananatiling isang malakas na pick kapag haharap sa Cosmic Wayfinder, basta’t laruin ito nang maayos.

Lahat nang kanyang mga skill ay may mga elemento ng crowd control, na nagpapahirap para sa mga kalaban na mag-maneuver, kahit na may mga crowd control cleanse abilities pa sila.

Sa mga team fights, bigyan ng prayoridad si Nolan bilang iyong target. Gamitin ang Tyrant’s Revenge para mag-initiate, at i-activate ang Bouncing Ball kapag nasa ere na siya.

Kung gagamitin ni Nolan ang Fracture, i-execute ang Flicker at Tyrant’s Rage combo malapit sa pader upang lubos na maparalisa siya, na nagbibigay daan para sa iyong mga kakampi na makakuha ng kill.

Ang pag-aaral ng kombinasyong ito ay maaaring mangailangan ng praactice, ngunit ito ay lubos na epektibo kapag ito ay nagawa nang maayos.

Tungkol sa itemization, isaalang-alang ang pagkuha ng mga item na may physical defense tulad ng Antique Cuirass o Blade Armor upang mabawasan at ma-reflect ang ilang bahagi ng damage ni Nolan.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: 5 pinakamatinding Flicker ultimate combos na pwedeng gawin sa Mobile Legends