Halos dalawang taon na din ang nakalipas ng ilabas ang Mobile Legends reincarnate ni Manny “Pacman” Pacquiao sa Land of Dawn. Simula Nobyembre 2019 ay pinagkakaguluhanang Paquito dahil sa lakas ng presensiya ng Fighter.

Kaya naman hindi nakakagulat na isa ito sa pangunahing opsyon mapa-EXP lane man o sa jungler role.

Swabe din kasi ang kit ng Heavenly Fist kung kaya’t aliw ang MLBB players sa paggamit nito. Bukod sa low cooldowns ng kaniyang skills ay napakasakit na damage ang kayang ilabas ng hero lalo na sa midgame. Iyon ay kung alam mo kung anong items ang bubuuin para sa kaniya, at kung paano gumagana ang kaniyang abilities at combos.

Sa hero guide na ito, idedetalye ng ONE Esports ang iba’t-iba niyang abilities at kung paano mo ito mapapagana in-game, kasama na din ang rekomendadong build para sa kaniya.


Abilities ni Paquito

Credit: Moonton

Ultimate – Knockout Strike

Papakawalan ni Paquito ang isang elbow strike sa mga kalaban na nasa harap niya. Kapag tumama ito ay ay 250/300/350 (+50% Total Physical Attack) Physical Damage ang matatanggap ng kalaban. Susundan niya ito ng isa pang mabilis na suntok na magbibigay naman ng 350-650 (+100% Total Physical Attack) Physical Damage sa kalaban kasama ang 75% slow sa loob ng isang segundo.

Champ Stance Enhanced: Kapag na-push na niya ang kalaban, magpapakawala si Paquito ng isang uppercut na mag-dedeal ng 400-750 Physical kasama ng knock airborne effect.

  • Kawangis ito ng mechanic ng first skill ni Benedetta na Phantom Slash kung saan aabante ang hero kapag in-activate, at pagkaraan ay babalik sa orihinal na posisyon.
  • Itutulak ng Knockout Strike ang kalaban kasama ng slow effect. Kapag naka-Champ Stance, hindi lang mas malaking damage ang karga ng skill, ma-knoknock airborne din ang mga ito kung kaya’t ito ay maaaring hard crowd control skill.
  • Dahil may dalawang bahagi ang Knockout Strike, dalawang stack ang maidadagdag nito sa passive niya.

Passive – Champ Stance

Credit: Moonton

Magkakaroon ng stack si Paquito sa mga pagkakataong makakatama siya ng kalaban gamit kaniyang skills. Kapag naabot na niya ang tatlo na stacks, lilipat siya sa Champ Stance na magpapalakas sa kaniyang susunod na skill.

Walang cooldown ang skills niya kapag nabuo ang tatlo na stacks. Ngunit, (+85% Total Physical Attack)Physical Damage lamang ang karga ng kaniyang Basic Attacks. Pagkatapos gumamit ng enhanced skill, madadagdagan ang Movement Speed niya ng 60% na magdedecay sa loob ng 2.5 segundo.

  • Gaya nina Mathilda, Benedetta, Barats at Yu Zhong, nakadepende ang kit ni Paquito sa kaniyang passive.
  • Kapag nakakatama ka ng hero gamit ang skills, madadagdagan ang Champ Stance stacks. Gayundin ang epekto kapag ginamit ang skills sa monsters or creeps.
  • Sa puntong may maximum na stacks, magiging enhanced and next skill na ibabato at hindi ito magcocooldown pagkatapos. Ito ang rason kung bakit swabe ang maaaring gawing combo sa hero.
  • Kailangan alamin ang dapat na ibatong skill combo dahil iba’t-iba ito sa bawat pagkakataon.
  • Marereset ang stacks kapag gumamit ng skills. Gamitin ang adisyunal na movement speed para habulin ang mga kalaban.

First skill – Heavy Left Punch

Magpapakawala ng suntok si Paquito sa isang target direction na kargado ng 210–360 (+50% Total Physical Attack)Physical Damage sa kalabang tatamaan. Magkakaroon din siya ng 150-400 (+110% Total Physical Attack) shield sa loob ng 2.5 segundo kapag napatama niya ito.

Champ Stance: Tataas ang damage ng 350-650 (_100% Total Physical Attack) Physical Damage, habang ang shield naman ay tataas ng 120%. Maaaring magstack ang enhanced at regular shields.

  • Bukod-tangi itong defensive skill sa kaniyang kit kaya importanteng malaman kung kalian ito gagamitin. Tandaan din na mas mataas ang shield na makukuha kapag nasa Champ Stance.
  • Magandang humanap ng timing sa pag-activate nito, lalo na kung may high-damage output ang kalaban.

Second skill – Jab

Mag-dadash papunta sa target direction si Paquito para magbitaw ng jab na may kargang 150–450 (+150% Total Physical Attack) Physical Damage sa kalabang tatamaan. Walang damage na mailalabas si Paquito sa pupuntahang direksyon ngunit bibitawan ang jab ng maaga kapag nakatama na agad sa hero o creep.

Champ Stance: Tataas ang damage sa 240–720 (+240% Total Physical Attack) Physical Damage.

  • Area of effect ang damage ng jab at mas mataas ang base damage kaysa sa kaniyang first skill kaya mas magandang ito ang unang i-max out para sa laning stage.
  • Sa Champ Stance, matindi ang karga ng skill na ito kaya mainam na sanayin ang pagbato nito.
  • Ito ang isa sa gap-closing skills ni Paquito kaya dapat mapatama ito para mabuksan ang skill combos ng hero.

Tips at Tricks sa paggamit ng Paquito

Dahil kailangang mapalapit ang Fighter sa kaniyang target, magandang opsyon ang paggamit ng Flicker Battle Spell para mas mapabangis ang kaniyang offensive capabilities. 

May mga pagkakataon ding mainam ang Execute para mas mas sigurado ang kill kapag naitama ang skill combo.


Magandang emblems para kay Paquito

Sa offlane role, natural na maganda ang paggamit ng Fighter emblems sa hero. Tipikal na ginagamitan ng Bravery o Invasion ang Heavenly Fist para mas mapatikas ang kaniyang physical attack damage na maaaring sundan ng Fesitval of Blood bilang main Talent para sa Spell Vamp.

Sa jungler role, opsyon ang paggamit ng Killing Spree para sa pambihirang Physical Damage, o di kaya naman ay ang Demon Slayer para mas mapadali ang pagkuha ng objectives.


Mga opsyon para sa item build

Screenshot ni Amanda Tan/ ONE Esports

Gaya ng ibang fighters, magandang pumunta sa hybrid damage at defensive build. Alamin ang matchup para mai-adjust kung anong boots ang gagamitin at kumuha ng Bloodlust Axe para mas makati ang epekto ng Festival of Blood.

Maganda ring prayoridad ang pagkuha ng War Axe para sa kombinasyon ng damage, HP at cooldown reduction. Kung jungler ang role, magandang kumuha ng Hunter Strike para sa early game damage.

Huwag ding kalimutan ang pagkuha ng defensive items lalo na sa late game. Immortality pa rin ang magandang opsyon para mabigyan ng insurance ang hero kontra sa pick offs, at Athena’s Shield naman para maiwasang ma-burst down ng mages.


Skill combo para kay Paquito

Tandaan na sandamukal na damage ang kaya mong pakawalan gamit ang ultimate at ng iyong second skill. Dahil mag-rerefresh ang cooldowns ng skills kapag napuno na ang stacks ng passive, maaaring gamitin ang parehong skill ng magkasunod kapag naka-Champ Stance.

Pag-aralan ang combo na Knockout Strike ng dalawang beses, kasunod ang Jab at Heavy Left Punch.

Kung wala kang stacks, mainam na simulan ang combo sa Jab, sunod ang Heavy Left Punch at Knockout Strike ng dalawang beses. Sa pagkakataong ito, magkakaroon ka ulit ng pagkakataong mag-stack ng passive.

I-check out ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MLBB guides.

BASAHIN: Narito ang 3 heroes na pang-counter kay Paquito