Si Faramis, ang Soul Binder, ay isa sa pinakamalakas na mga support hero sa Mobile Legends: Bang Bang.

Noong una, isa siya sa mga hindi madalas mapili na hero sa laro, ngunit sa pag-update ng Rise of Necrokeep, naging priority pick na siya sa mga ranked at competitive play.

Maaari niyang mag-set up ng mga mabilis na plays gamit ang Shadow Stampede, magdulot ng malaking damage gamit ang Ghost Bursters, at bigyan ng extra HP ang mga kasamahan sa pamamagitan ng Cult Altar.

Mahirap talagang labanan si Faramis, ngunit hindi laging ganoon ang kaso. Narito ang tatlong pinakamahusay na mga pangontra sa Soul Binder.


3 hero counters kay Faramis sa Mobile Legends

Valentina

Valentina best hero counter kay Faramis
Credit: Moonton

May dahilan kung bakit itinuturing na isa sa mga pinakamalakas na mage hero si Valentina sa Land of Dawn. Bukod sa kanyang mataas na damage output, ang kanyang ultimate na I Am You ay maaaring kopyahin ang ultimate ng kanyang mga kalaban at ito ay itatabi niya sa loob ng 20 segundo o hanggang sa kanyang gamitin ito.

Bilang Valentina, ang pangunahing prayoridad ay manakaw ang ultimate na Cult Altar, dahil ang resurrection effect ay nagbabago ng takbo ng laro sa mga team fight. Gamitin agad ang I Am You kapag umabot ka ng level four at hintayin ang tamang pagkakataon na ilabas ito sa mga team fight.

Bagaman hindi siya direktang kontra, tiyak na magpapantay ng laban si Valentina.


IBA PANG MLBB GUIDES
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan
Martis guide: Best build, skills, emblems, at combos
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?

Yin

Credit: Moonton

Ang tanging layunin ni Faramis sa mga team fights ay i-activate ang Cult Altar. Ang Fighter hero na si Yin ay maaaring pigilan siya sa paggawa nito.

Maaaring i-activate ni Yin ang kanyang ultimate na My Turn upang dalhin si Faramis kasama niya sa kabilang “dimension” kung saan kailangan niyang mabuhay nang walong segundo. Maaari niyang gamitin ang kanyang ultimate upang mabuhay, o tanggapin ang kanyang kapalaran at bigyan ng pagkakataon si Yin na patayin siya. Kapag wala ang Soul Binder, magiging dehado ang kalabang koponan at kakailanganin nilang umatras.

Maaaring mahirap siyang patayin sa loob ng area ng ultimate sa simula ng game, ngunit nagiging mas madali ito kapag mayroon kang hindi bababa sa dalawang offensive items. Siguraduhin rin na gamitin ang iyong ultimate bago i-activate ang Cult Altar.


Akai

Credit: Moonton

Kadalasan ay hindi nakakasabay ang mga tank na hero laban sa mga support heroes, lalo na kay Faramis. Ang Soul Binder ay mabilis at maaaring tumagos sa mga pader gamit ang Shadow Stampede. Ngunit may pagkakaiba si Akai.

Ang tunay na kahanga-hangang kakayahan niya ay ang Heavy Spin na maaaring mag-stun sa mga kaaway nang apat na segundo kapag tumama sa pader. Nagpapataas din ang kanyang ultimate ng kanyang galaw ng 70%, na ginagawang mas madali para mahuli niya si Faramis kahit na may Shadow Stampede ito.

Maaari niyang pigilan si Faramis sa pag-activate ng Cult Altar gamit ang tamang timing ng Heavy Spin. Kung magawa pa rin niya na i-activate ang kanyang ultimate, maaari mo pa ring gamitin ang Heavy Spin upang i-stun ang mga kaaway at hintayin hanggang mawala ang bisa ng ultimate ng kalaban.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kontrahin si Alpha sa Mobile Legends gamit ang 3 hero counters na ‘to