Kung isa kang player na may agresibong playstyle at nais makapitas ng mga carries ng kalaban, si Yin, ang pinakabagong Mobile Legends: Bang Bang hero ang bagay na. karakter para sayo.

Kargado lamang ng kaniyang kamao at magical rings, dala ng Martial Genius ang abilidad na mag-switch mula sa kaniyang orihinal na form papunta kay Lieh, isang masamang element na nakatuon sirain ang mundo.

Basahin ang lahat ng dapat alamin sa Yin guide na ito, kasama na ang recommended emblems, battle spells at best builds ngayon.


Yin Guide: Skills ng bagong figher

Passive – Leave It To Me

Nagpapakawala si yin ang 125% increased damage kapag walang allied heroes sa loob ng 4 yard radius.

  • Dahil sa kaniyang passive, mas posibleng maka-invade ng enemy jungle sa unang limang minuto ng laro. Malaking bagay ang increased attack damage na maaaring makatulong sa pagnanakaw ng buffs ng kalaban, o dikaya naman ay makakuha ng pick off sa kalabang jungler.
  • Gamitin ang kalamangan na ito para mang-harass sa kalaban kung nasa EXP or gold lane. Bilang jungler naman, trabaho mong pigilan ang kalabang jungler o unahan siya sa farm bago makakuha ng level 4.
  • Active din ang passive ng hero kapag active ang kaniyang ultimate na My Turn.

First skill – Charged Punch/Frenzy Strike

Magkakaroon si yin ng 40% movement speed sa loob ng 2 seconds.

Use Again: Susuntok si Yin ng charged punch paharap at mag-dedeal ng physical damage.

Lieh: Yayanigin ni Lieah ang isang area ng 10 beses kung saan ang bawat smash ay may dalang physical damage sa kalaban at slow ng 75% sa loob ng 0.3 seconds. Ang mga kalabang matatamaan ng makailang ulit ay maii-slow sa bawat extra hit na matatanggap nila. Bibilis ang smashing speed sa paggulong ng duration.

  • Magandang skill ang Charged Punch para mang-last hit ng enemy creeps sa laning phase. Gamitin lagi ang extra damage para sa iyong advantage at i-spam ang skill para makakuha ng maagang kalamangan.
  • Natatamaan din ang units sa likod ng target kapag gumamit ng Charged Punch.
  • Kapag napatama ang Charged punch, mababawasan ng 35% ang cooldown ng skill.
  • Nag-aauto lock ang Frenzy Strike sa isang kalaban hanggat hindi napupunta sa maximum ang smashing speed. Maaari mong kanselahin ang skill sa huling bahagi nito para gumalaw o gumamit ng ibang skill.
  • Immune sa crowd control si Lieh habang gumagamit ng Frenzy Strikes.

Second skill – Instant Blast

Aangat paharap si Yin at iiwan ang Golden Ring na magpapakawala ng physical damage sa dadaanang kalaban. Pagkatapos ang 1 second delay, susunod ang Golden Ring kay Yin na magpapakawala muli ng damage sa madadaanang kalaban kasabay pa ng 1 second stun.

Lieh: Sisipa paharap si Lieh at iiwan ang Golden Ring at magpapakawala ng physical damage sa dadaanang kalaban. Pagkatapos ang 1 second delay, susunod ang Golden Ring kay lieh na magpapakawala muli ng damage sa madadaanang kalaban kasabay pa ng 1 second stun.

  • Magkakaroon si Yin at Lieh ng 25% extra damage reduction kung tatami ang Instant Blast sa kalaban.
  • Maaaring maka-stun ng multiple enemies ang skill lalo na kung magkakalapit sila ng posisyon.
  • Maaari ding gamitin ang Instant Blast bilang escape tool.
  • Maaari kang tumagos sa walls kapag ginamit ang skill.

Ultimate – My Turn

Kukunin ni Yi ang isang kalaban papunta sa kaniyang domain hanggang walong segundo at magbabagong-anyo papunta kay Lieh.

  • Matapos mag-transform ni yin kay Lieh sa loob ng kaniyang domain, magkakaroon siya ng 20 extra physical defense at magic defense kapag na-activate niya ang kaniyang ultimate.
  • Matatapos ang domain kung may mamatay na hero sa loob nito. Iwasang i-cast ang skill na ito sa kalabang may mas mataas na level o mas mataas na damage output sayo.
  • Ma-rerestore ni Lieh ang 20% ng kaniyang health kapag nakapitas siya sa loob ng kaniyang domain.
  • Matapos lumabas sa kaniyang domain, magpapatuloy pa rin ang Lieh form walong segundo matapos makalabas.

Paano laruin si Yin sa Mobile Legends

Yin Guide: Recommended na Battle Spell

Credit: Moonton

Para ma-maximize ang passive effect na increased damage kapag mag-isa, magandang gamitin ang Retribution bilang battle spell. Mas mabilis na mauubos ang jungle creeps kung ikukumpara sa creeps sa lane (EXP man o godl lane)

Kung may jungler na ang team, maaari namang opsyon ang Execution. Malaking tulong ang spell para maselyo ang kills lalo na kung may nakulong na sa My Turn duration. Ang EXP lane ang pangalawang best option para kay Yin dahil wala siyang long-range skills na maaaring itapat sa mga marksman na tipikal sa gold lane.

Yin Guide: Recommended na emblem set

Credit: Moonton

Ang pagpili ng emebem na gagamitin kay Yin ay nakadepende sa skill level mo sa paggamit ng hero. Para sa mga bago pa lamang sa hero, magandang gamitin ang Unbending Will para sa extra damage lalo na kung katapat ang scaling heroes.

Maaari ding isalang ang High and Dry para sa mga experienced players na  dahil maganda ang pagpatong nito sa Leave it To Me passive. Gayunpaman, kinakailangan mong dumistansya sa iyong mga kakampi para ma-maximize ang damage na ikinakarga nito sa hero.

Anuman ang pipiliin mo, tandan na mas maganda ang physical damage o penetration subtalents. Ang extra offensive stats na ito ang makapagpataas ng iyong kill potential lalo na sa early game.

Yin Guide: Best Build para kay Yin sa Mobile Legends

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Bilang fighter hero, mainam na buuan ang hero ng offensive items. Kung pagbabasihan ang ginagawa ng mga pros sa hero ngayon, priority ang physical damage at cooldown reduction items sa early hanggang mid game. Ang mga items tulad ng War Axe at Hunter Strike ang nagsisilbing core items ng hero, na susundan naman ng Blade of the Heptaseas o Blade of Despair.

Matapos buuin ang offensive items na ito, maaari ng bumuo ng defensive items kung madikit ang labanan, o kung lamang ay dagdagan ang offensive itmes para patuloy na ibaon ang kalabang team. Ayon sa mga games na lumabas, mas epektibo siya sa kaniyang glass cannon build kumpara sa hybrid build niya.

Yin Guide: Yin Combos na dapat mong malaman

Credit: Moonton, screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Kung 1v1 situation, maiging pumosisyon malapit sa kalaban gamit ang Charged Punch at Instant Blast. Matapos ma-stun ng kalaban, gamitin agad ang My Turn, Instant Blast, at Frenzy Strike ni Lieh para maselyo ang kill.

Madalas na epektibo ang ganitong combo. Iyon ay kung mapapatama ng maayos ang Instant Blast sa kalaban.

Mainam ding makulong ang carries ng kalaban (marksman o jungler ng enemy team) dahil mas madali silang ma-burst down kumpara sa mga tank o fighters na tipikal na mas makunat.

Dahil hindi gumagamit ng mana si Yin kapag nag-cacast ng abilities, gamitin ang Charged Punch niya sa pag-last hit ng enemy creeps at pag-harass ng mga kalabang hero. Sa pagkakataong umabante rin ang kalaban o kung umikot ang jungler sa lane, gamitin muli ang Charged Punch para sa movement speed boost at Instant Blast kung bibiglain ka ng kalaban gamit ang kanilang flicker battle spell.

May natutunan ka ba sa Yin Guide na ito? Para sa iba pang gabay tungkol sa Mobile Legends, sundan ang ONE Esports Philippines!

BASAHIN: May rason kung bakit OP ang Gloo matapos ang Mobile Legends patch 1.6.50