Pagkatapos gumulong ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.50, maraming heroes ang patuloy na nagpapabilib ngayon sa ranked games gayundin sa pro play. Isa sa mga heroes na ito ang highly-mechanical hero na si Gloo.

Patuloy na priority ang hero sa mga high-level matches, gayunpaman ay hindi ito masyado naging patok sa mga casual players sa Land of Dawn. Nagbago na ang trend matapos ang patch dahil malaki ang boost na ginawa ng Moonton sa Swamp Spirit na nagpapasabik ngayon sa mga players lalo na sa EXP lane.

Heto ang lahat ng dapat malaman tungkol sa bagong buffs niya sa Mobile Legends patch 1.6.50:


Maraming buffs ang ibinigay sa Gloo sa Mobile Legends patch 1.6.50

Credit: Moonton

Bago palawigin ang usapan kung bakit isa ang Gloo sa pinakamagandang choice sa EXP lane, mainam na malaman ang ilan sa mga pagbabago sa skills ng Swamp Spirit

Skill 1 – Slam, Slam

  • New Effect: Actively detonating the Goo now fully resets the skill’s cooldown
  • Cooldown increased from 8-6s to 10-8s
  • Base Damage decreased from 360-560 to 300-450
  • Fixed an issue where the damage of Gloo’s Skill 1 was greatly reduced when it’s attached to an enemy hero

Skill – Pass, Pass

  • Base Damage decreased from 325-450 to 325-400
  • Fixed an issue where the damage of Gloo’s Skill 2 was greatly reduced when it’s attached to an enemy hero
  • Casting speed slightly increased

Ultimate – Split, Split

  • Gloo can now cast its Skill 1/2 to end the Split, Split state
  • Movement distance of Go, Go increased
  • HP Regen decreased from 30%-35% to 25%-30%

Bakit OP ang Gloo sa patch na ito?

Credit: Moonton

Sa mga nakalipas na patches, maraming Gloo players ang hirap mag-latch sa mga kalaban gamit ang Split, Split. Madaling dumistansya ang kalaban sa hero kapag naka-activate ang kaniyang ultimate, kaya naman limitado ang kontrol ng Swamp Spirit.

Malaki ang pinagbago dito sa gumulong na patch dahil mas madali na magamit ng Gloo players ang Slam, Slam para ma-ma out ang sticky stacks ng mas mabilis.

Ang casting speed ng Pass, Pass ay binilisan din kaya naman mas mahirap ngayong umiwas sa skill na ito kung ilalabas ng Gloo ang full combo.

Bagamat may nerfs ding natanggap, hindi nito masyado naapektuhan ang Swamp Spirit dahil kaya parin ng hero na maglabas ng sandamukal na damage bilang tank EXP laner.

Mas mabilis, mas malagkit at mas mahirap i-counter ang hero lalo na kapag nakuha na niya ang level four. Hindi maikakaila na ang hero ay isa sa mga underrated tank sa meta ngayon, kaya naman kung nais ng sinuman na tumaas ang win rate, oras na para isalang ang hero na ito sa ranked games.

Para malaman ang iba’t-ibang MLBB item builds, hero guides at marami pang iba, sundan lamang sa Facebook ang ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Item build guide para sa sidelane Edith